Putang Ina

by Sankage Steno

Hindi talaga ako magaling mag-move on, bes. Ang hirap. Pinanood ko ulit kagabi yung 2 Cool 2 Be 4gotten sa Glorietta 4. Nalagasan na naman ako ng P260. Ang gastos talagang umibig, lalo na sa fictional characters. Ikaw na nga ‘tong nasaktan, ikaw pa pinagbayad. Ang tanga ko lang.

Ang talino kasi ng pagkakagawa ng pelikula, at ang huhusay ng mga nagsipagganap. Pero di ko na pupunahin yung acting ng mga boyfriend kong sina Khalil, Ethan at Jameson. Gusto kong pagtuunan ng pansin yung pagganap ni Ana Capri bilang Demetria, ang putang ina (yes, bes, literal) nina Magnus at Maxim Snyder.

Sa mga di nakakakilala sa beteranang aktres na ito, si Ana Capri ay isang sexy star na lumabas sa mga pelikulang Virgin People 2 (1996), Sa Paraiso ni Efren (1999), Live Show (2000), Bakat (2002) at marami pang iba. And for your information, award-winning po sya. Nanalo s’ya ng Best Actress award para sa mga pelikulang Pila-Balde (1999) at Ala Verde, Ala Pobre (2005).

Gustung-gusto ko yung acting n’ya sa 2 Cool 2 Be 4gotten bilang puta sa Clark Air Base na nabuntis ng isang Amerikanong sundalo at nagsilang sa dalawang sobrang gwapong anak. Hindi kasi pilit yung arte n’ya, bes. Natural. Para talaga s’yang nanay na puta na sobrang mahal ang mga anak n’ya kahit pa mahirap silang palakihin.

Pero ang talagang nakaantig sa puso ko maliban sa character n’ya e yung acting n’ya na di nangangain ng ibang artista sa pelikula. Kumpara kasi kina Khalil, Ethan at Jameson, ang layo ng experience ni Ana Capri. Mas experienced s’ya at di hamak na mas mahusay. Pero hindi n’ya nilamon yung ibang artista. Saktung-sakto lang, bes. Nag-complement sa capacity ng ibang actors na kasama n’ya.

And that is a rare skill lalo pa’t alam mong mas magaling ka sa mga kasama mo.

For sure malaki ang kontribusyon dito ng husay ng direktor para mailabas ang galing o mabalanse ang pag-arte ng mga artista n’ya. Pero syempre, I have to give it to Ana Capri. Pwede naman s’yang magmaganda, suwayin yung direktor o sobrahan yung pag-arte, but she did not. Tamang-tama lang ang ibinigay n’ya, walang labis, walang kulang. At ang ganda n’ya.

Sana talaga lumabas pa s’ya sa maraming pelikula na may magandang kwento at mahusay na direktor. Sana dumami pa yung mga pelikulang Pilipino na mas gusto kong panoorin kesa Hollywood films (Yes, I’m pointing at you, Beauty and the Beast). Higit sa lahat, sana ay maka-threesome ko yung mga anak n’yang sina Magnus at Maxim.

 

Advertisements