Ikutin ko man ang mundo

by Sankage Steno

Nakaka-tempt ang dami ng promo fares sa Cebu Pacific, Air Asia at Philippine Airlines. Biruin mo, in less than 10k, minsan less than 5k pa, makakapunta ka na sa maraming bansa tulad ng Japan, Singapore, Indonesia, Taiwan, Korea, India, Vietnam, Thailand at kung saan-saan pa. E ang dami ko pa namang di nagagamit na leave.

Nasisira tuloy yung plano kong mag-ipon para sa pangarap kong bahay at lupa. Haha! E kasi wala naman akong ilalagay dun maliban sa sarili ko, so might as well unahin ko na yung trip around the world. Bilang nalibot ko na rin naman ang Pilipinas, it’s time to see the world bago ako maging kaisa ng sansinukob. Naks. Lalim.

Actually, kakagaling ko lang sa dalawang bansa this year. Tapos, by the second half of 2017 baka isa o dalawang bansa ulit ang puntahan ko. Ganyan po ako kahayok sa paglalakbay. Sorry naman. Ang saya kasing makakita at makaranas ng bago. Alam mo yung feeling na walang nakakakilala sa ‘yo, wala kang naiintindihang salita sa paligid mo, pati yung pagkain di kilala ng dila mo.

It’s so amazing!

Hindi naman masyadong problema ang budget. May konti akong ipon at sumusweldo pa naman ako. Isa pa, hindi naman ako magastos sa mga byahe ko. Sobrang tipidity mode ako lagi. Ang tanging pumipigil lang sa akin e yung fact na mag-isa lang akong pupunta sa bansang gusto ko. Sabi ko nga before, gusto ko ng kasama. E wala naman akong boyfriend. Friend lang. So, ayun, nganga.

Masaya naman ako on my own. Ang masayang problema, pa’no ‘pag in the future magka-boyfriend ako? Baka ‘pag tinanong n’ya kung sa’n namin gustong magbakasyon, wala na ‘kong masasabi kasi napuntahan ko na lahat. Haha! Ako na. Kainis. Well, pwede ko namang ulit-ulitin ang pagpunta sa mga lugar na gusto ko. Yun nga lang, baka maging Walking Google ako at kainisan ng aking boyfriend dahil sa dami ng kwento at trivia ko.

Ganun kasi ako e. Di ko mapigilang mag-share ng knowledge sa iba. Mayabang kasi ako. Matalino pa. Kaya sana yung makakatuluyan ko balang araw e kagiliwan yung talino at yabang ko. At sana mahilig din s’yang maglakbay. Sana rin ilibre n’ya ‘ko. Lels. Anyway, excited na ‘kong makilala ka. ❤

Litrato ni Steno Padilla.

Advertisements