Rev Gov ng mga ulol

by Sankage Steno

Balita ko e nilangaw yung #PalitBise rally kahapon sa Luneta. Puro close-up yung nakita ko. Ayaw mag-post ng drone shot. Lol. Niloko ko nga yung kapatid ko kahapon e. Sabi ko, “O, ba’t wala ka sa Luneta? Di ka ba sasali sa rally?” Ang sagot n’ya, “Mga siraulo.” Saka ko napagtantong hindi naman pala talaga s’ya fanatic. Good to know.

Bago pa lumabas yung video ni Uson na nagtatawag ng mga #kaDDS para sumali sa rally, alam ko na yung tungkol sa Luneta gathering na ‘yan. Ang kaibahan lang, ayon sa pro-Duterte Facebook page na pina-follow ko, rally talaga iyon para ipanawagan ang pagtataguyod ng Revolutionary Government sa bansa. Ito raw ang solusyon para malipol ang mga kalaban ng pangulo at sa lahat ng suliraning kinakaharap natin.

Mga ulol.

Kaya medyo nagulat ako nang biglang naging si Leni Robredo ang sentro ng protesta kahapon. Impeachable na pala ngayon ang magpahayag ng damdamin o opinyon. Mga baliw lang. Ayun, kahit pa naghakot sila ng raliyista (And I’m sure may pakain ‘yan at/o bayad), konti lang yung pumunta. Nakakaawa rin sa part ng organizer.

Nakakatawa lang na maliban sa pagtatanggal kay Robredo, gusto ng mga ulol na itong maging rebolusyonaryo ang gobyerno natin. Ang alam ko, mga miyembro lang ng CPP-NPA-NDF ang may gusto ng digmaang bayan para sa “kalayaan” at “kaunlaran” ng mga maralitang Pilipino. Sa nakita ko kahapon, mukhang di naman komunista yung mga dumalo sa rally. Mga nakapula lang.

Alam kaya nila kung pa’no magkakaroon ng Rev Gov? Ako nga hindi ako sure e, maliban sa civil war o sa pag-take over ng militar sa pamahalaan. Kung yun ang gusto ng mga ulol, pa’no ‘yon makakatulong sa pagpapalago ng ekonomiya, pagdadagdag ng trabaho, pagsugpo sa krimen at sa pagtatanggol kay Duterte?

Halatang sunud-sunuran lang ang mga bobo. Nagpapagamit para makakuha ng konting pera at pagkain sa mga pulitiko. Oh well, kung mahirap ka nga naman, biyaya nang maituturing ‘yon. Kung ako siguro yung walang trabaho o walang pinagkakakitaan, sasama na ‘ko sa rally kahit di ko naiintindihan yung pinaglalaban ko. Magpapakaulol na rin ako.

E buti na lang hindi. At mas lalong mabuti na hindi ako katulad ng matatalinong ulol na nagpapagamit sa gobyerno para lang makakuha ng pwesto. Ang hirap talagang maging laos na artista.

Advertisements