Nasaan na si Kokoi?

by Sankage Steno

It’s officially summer (or tag-init dahil wala naman talagang ‘summer’ sa Pilipinas technically), sabi kahapon ng PAGASA. At ‘pag ganitong mainit ang panahon, gustung-gusto kong nakikinig ng reggae habang nasa tabing-dagat at humihitit ng marij… Marlboro pala. Marlboro, yung blue.

E dahil nakakulong pa ‘ko sa opisina at ginaw na ginaw sa AC naming feeling Ice Queen, nagtitiyaga na lang ako sa pakikinig ng reggae music sa YouTube. Syempre, pinakinggan ko yung pinakasikat na reggae band sa bansa, yung Tropical Depression. RIP, Papadom. Kung di mo sila kilala, pakinggan mo ‘tong Kapayapaan at Bilog Na Naman Ang Buwan.

Ta’s napunta ako sa covers ng mga sikat na reggae songs. Napanood ko ulit yung version ni Kokoi Baldo ng Bilog Na Naman Ang Buwan sa The Voice Philippines. Click mo yung link at panoorin din. Hintayin mo yung part na tumawa s’ya. Husay! Ayun, nagsunud-sunod na. Pinanood ko yung audition piece n’yang One Day by Matisyahu. Grabe, ang galing talaga.

Meron ding version si Bugoy Drilon ng One Day sa Wish 107.5 at ang ganda rin. Watch it. Pansinin mo rin yung gitarista d’yan kasi ang husay din. Grabe, husay talagang musician ng mga Pinoy. Buti Pinoy ako.

Anyway, going back. Ano nang nangyari kay Kokoi? Bumalik ba s’ya ng Boracay? Nagka-album ba s’ya? Wala na ‘kong balita sa kanya. Pinuntahan ko yung Facebook page n’ya pero last year yung matinong laman. May career pa ba s’ya? Sana naman kumakanta pa rin s’ya kahit sa Boracay. Dun naman talaga s’ya nagtatrabaho bago sumali sa The Voice (na wala namang pinapasikat talaga maliban sa judges).

Kung pupunta ako ng Boracay, sa’n ko kaya s’ya mapapanood? Kung alam mo, hit the comment section and let me know please. Iba kasi ang dating ng reggae music kapag sa beach mo s’ya napakinggan, tapos sumasayaw ka sa buhanginan habang may hawak na malamig na beer at humihitit ng mari… Marlboro. Yung Ice Blast. Try mo, sarap.

Advertisements