Kasalanan ni Robredo kaya lumilindol

by Sankage Steno

Lumindol na naman pala kaninang umaga. I was #shookt! Sa may Bicol at Eastern Visayas  tumama. Nung weekend naman sa Batangas, tapos last week sa may Mindoro. Alam ko namang normal lang ang lindol sa Pinas, pero yung malalakas, mukhang napapadalas. Nakakashokot, mga mumshie!

Pinaparusahan na ang Pilipinas dahil binoto n’yo si Duterte. #Charaught! Si VP Leni Robredo talaga ang sanhi ng mga pagyanig na nararamdaman natin. Perfect kasi si Katay Digong. Wala siyang ginagawang mali. Kapag may nangyaring masama o kapag may pumalpak sa bansa, hindi n’ya kasalanan ‘yon. Si Robredo at ang Liberal Party talaga ang may sala. Period, no erase!

Kidding aside, feeling ko kapag tumama yung #BigOne sa Metro Manila, isa ako sa mga mamamatay. Feeling ko hindi ko susundin yung Duck, Cover, Hold na laging tinuturo kapag may earthquake drill. Most likely ang gagawin ko kapag lumindol e tumakbo sa hagdanan at bumaba palabas ng building. Wapakels na ‘ko kung mabagsakan ng anez and everything!

Tingin ko kasi, kung magtatago ako sa ilalim ng mesa o upuan, hindi pa rin ako makakaligtas kung sakaling gumuho yung gusali o may bumagsak na kung anik-anik. Parang yung safety precaution lang bago lumipad ang eroplano. Sure namang mamamatay ako kapag bumagsak ‘yon sundin ko man ang instructions nila o hindi.

Saka mas sinusunod ko yung tip sa World War Z: Movement is life. So, ayun, gagalaw talaga ako at aalis ng building kapag lumindol na.

However, in the event na sobrang lakas talaga at mahihirapan akong lumakad o tumakbo, I have no choice but to duck, cover and hold. Magdarasal na lang ako sa kung sinu-sinong diyos na iligtas ako. Pero kung makakaligtas nga ako pero mawawalan naman ng kamay at paa, magpapakamatay na lang siguro ako.

Baka gayahin ko yung bidang lalaki sa Me Before You.

Kinokondisyon ko na talaga yung utak ko na mamamatay ako kapag lumindol. Kung fan ka ng law of attraction, baka minumura mo na ‘ko sa isip ngayon. Pero kung fatalistic ka naman o naniniwala sa systematic desensitization, alam kong mag-a-agree ka sa ‘kin. This is an effective way to cope with things that you can’t control.

After all, 34,000 ang estimate na mamamatay kapag tumama na ang Big One sa Metro Manila. I think conservative pa yung bilang na ‘yan. Sa sobrang sikip kasi ng Maynila at sa sobrang pangit ng disenyo ng ating lunsod, hindi malayong umabot sa daang libo ang mamatay lalo na kung office/school hours mangyayari yung lindol. Worst case scenario, 1/10 ng NCR population ang papanaw. About 1 million people, including me.

‘Wag naman sana. Magiging pangulo pa ‘ko ng Pilipinas sa 2040.

Advertisements