Jobless

by Sankage Steno

Sabi ni Prof. Solita Monsod, aka Mareng Winnie, noong estudyante pa n’ya ako sa Macroeconomics, “Only rich people can afford to go jobless. Yung mahihirap, mamamatay sa gutom kapag hindi nagtrabaho.”

Therefore, hindi dapat tayo humanga o matuwa sa sinabi ni Imee Marcos na jobless daw si Bongbong at “eager to work.” The fact na kayang mabuhay ni BBM, magpunta sa kung saan-saang lupalop ng mundo at mag-focus sa kanyang electoral protest laban kay VP Leni Robredo only means na marami s’yang pera kahit wala s’yang trabaho.

Mayaman si Bongbong. Mayaman ang mga Marcos. At bakit nga ulit sila yumaman? Dahil sa paghihirap ng kanilang mga magulang. Hirap na hirap sila sa pagnanakaw ng pera mula sa kaban ng bayan. Hirap na hirap sila sa pangungutang sa ibang bansa para ibulsa sa halip na gamitin sa pagpapaunlad ng bansa. Kita mo naman ang resulta. Hindi na sila naghihirap ngayon.

Hayup!

Isa pang jobless ngayon ay si Mar Roxas. Kita mo naman, kung sa’n-sa’n din nagpupupunta. Kahit walang trabaho, afford n’yang makakain at least three times a day at mag-travel sa buong mundo. Ganyan po silang mayayaman. Kahit hindi magbanat ng buto, may kakainin pa rin.

However, ang kaibahan lang ni Roxas kay Marcos, hindi s’ya nag-file ng protesta laban sa pagkapanalo ni Duterte. Hindi rin s’ya bitter tulad ni Bongbong. At lalong wala s’yang balak na tumanggap ng posisyon sa ilalim ng administrasyon ni Katay Digong. Si BBM kasi, kaya eager to work e dahil s’ya ang itatalaga bilang DILG secretary sa June kapag lumipas na ang isang taon after n’yang matalo sa pagka-bise presidente.

Hindi pa rin kasi tapos sa pagbabayad ng utang itong si Duterte. Sa dami ng perang natanggap niya mula sa mga Marcos, hindi pwedeng hayaan na lang n’yang “jobless” ang unico hijo ng idol n’yang diktador. Hindi rin sapat na payagan n’yang ilibing ito sa Libingan ng mga Bayani. Kulang pa ‘yon. Kulang na kulang kumpara sa orihinal nilang plano since 2013.

Ang balak kasi nila, mananalong VP si Bongbong at President si Duterte sa tulong ng mga trolls, fake news at black propaganda. Kapag nakatalaga na sila sa pwesto, magre-resign si Digong due to health reasons at aangat si BBM bilang pangulo ng Pilipinas. E sumingit si Robredo. Ayun, sira ang original plan. Nauwi ngayon sila sa Plan B na mukhang malabo ring maisakatuparan.

Oh well, marami namang time si BBM para mag-focus sa Plan B. After all, jobless s’ya.

Advertisements