Ayoko nang maging pogi

by Sankage Steno

Nakakairita yung mga dine-date kong bakla na maya’t maya ang text at dapat maya’t maya ka ring sumasagot kahit ang text lang naman nila e “Ingat ka.” Juskoday! Pwede ba! Kayong mga bakla, umayos nga kayo. Hindi na nga kayo OUT tulad ko, masyado pa kayong needy. Don’t me!

Kahapon kasi, natulog ako ng 5pm at hindi ako nag-reply sa ka-text ko. Kaninang umaga lang ako sumagot. Sabi ko sa kanya, maaga akong natulog, which is true naman dahil puyat ako. Ayun, pinagmumukha pa ‘kong sinungaling. S’ya pa ‘tong tampururot. Kainis. (Don’t worry, di ko s’ya friend sa Facebook o follower sa Twitter so most likely hindi n’ya ‘to mababasa.)

Hindi ko obligasyong sagutin kayo maya’t maya dahil di ko naman kayo boyfriend. Ano ba! At kahit boyfriend kita, ‘wag ka ngang masyadong clingy. Pag gutom ako, kakain ako. Pag inaantok ako, matutulog ako. Di mo kailangang paalalahanan ako every three hours na kumain, wag magpuyat, magpalit ng brief, magsipilyo ng ngipin, tumae… Jusko! Ginagawa ko na ‘yan since birth. Alam na alam ko na ‘yan.

Hay, eto ang hirap kapag habulin ka e. Kapag pogi.

Kahapon nga, nung paluwas ako, may manyakis akong nakatabi sa bus na gumagapang yung kamay mula likod ko papunta sa leeg at dibdib ko. May gahd! Buti nakuha sa masamang tingin. Akala ko pa naman graduate na ‘ko sa mga manyakis dahil magtetrenta na ‘ko. But no! Mabenta pa rin pala ako.

Alam mo kasi, lagi akong nabibiktima ng mga matatabang baklang hindi out noong college. Kapag umuuwi ako sa probinsya sakay ng bus, lagi akong namamanyak sa upuan. Kapag natutulog o nakatanaw sa bintana, magugulat na lang ako dahil may gumagapang na kamay sa hita ko papunta sa singit o bayag ko. Naknampota.

Kasalanan ko ba kung bakit lagi akong nababastos? Nababastos na nga ako sa social media dahil matalino ako, nababastos pa rin ako sa pagiging pogi? Nubeyen. Sa’n pa ‘ko lulugar n’yan? Alangan namang papangitin ko yung sarili ko o hindi maligo nang isang linggo para layuan ng mga tao? At bakit ako ang mag-a-adjust sa mga gagong ‘to? Ako na nga ang nabiktima, ako pa ang dapat magbago? Wow!

Kaya naniniwala na talaga akong problema ang pagiging pogi. Hindi naman ako nagpapakapogi para maging bastusing tao. Nagpapakapogi ako for myself. Masama ba ‘yon? Buti nga napapaganda ko yung tanawin kahit papa’no. It’s a disservice naman sa mundo kung ipagkakait ko yung kagwapuhan ko. Haynako. Mukhang habambuhay ko nang papasanin ang krus ng kapogian.

Minsan talaga ipinagdarasal ko sa diyos ng kapogian na bawiin na n’ya yung kagwapuhan ko. Pero naisip ko rin, ano pang poproblemahin ko kung hindi ako pogi? Gosh, I’m so perfect.

Advertisements