Huling araw ko

by Sankage Steno

Sabi ng anak ng asawa ng kapatid ng kaibigan ko, ang 20s ang edad na may pinakamaraming pagbabagong mararanasan ang isang tao. Kasi raw, ito yung edad na karaniwang makakatapos ka ng kolehiyo, magsisimulang magtrabaho, magpapakasal, magkakaanak, magpapabinyag, lilipat ng trabaho, atbp. Mukhang totoo naman.

Pero para sa isang baklang katulad ko, malabo yung magpakasal, magkaanak at magpabinyag. Yung magpalipat-lipat ng trabaho, pwede pa. Kaya karaniwan sa mga katulad ko, feeling stuck o walang naa-achieve o nararating sa buhay. Kasi nga, hindi naman umiiral sa amin yung “normal” na takbo ng buhay na nararanasan ng mga “hetero” o feeling “hetero.”

Kaya ang ginawa ko (at ginagawa rin ng maraming bakla), itinuon ko ang 20s ko sa ibang bagay. Nilibot ko ang buong Pilipinas, sinimulan ko na ring maglibot sa Asya at pinaghusay ko pa lalo yung ilan kong skills. Yung ibang baklang kilala ko, nag-aral ulit, kumuha ng Master’s degree, nag-Law, nag-MBA, nagdoktor, etc. Ako? Tinatamad na ‘kong mag-aral “formally.” Mahilig naman akong magbasa kaya ayos na siguro ‘yon.

Maliban sa paglalakbay at pagsusulat, madalas din akong makipag-away sa social media dahil ang daming bobo at makikitid ang utak doon. Kapag nakikipag-away kasi ako, maliban sa dumarami ang haters ko, dumarami rin yung pumapansin sa ‘kin. Papansin at pasikat kasi ako sa totoong buhay. Hahaha! Magba-blog ba ‘ko kung hindi?

In fairness, pinapahaba rin ng bashers ko ang aking pasensya at pinapaghusay ang aking critical thinking.

Isa pang napansin ko sa aking 20s e yung mga taong nakilala at dumaan sa buhay ko. Marami akong kaibigang nawala na o hindi ko na kaibigan. Meron din namang mga nadagdag at feeling ko e for keeps. Marami rin namang nag-stay, lalo na yung mga kaibigan ko na since kindergarten. Masaya rin ako dahil kahit papa’no e meron akong mga estudyanteng ka-close pa rin hanggang ngayon at di ko pa hater.

Sabi pa ng anak ng asawa ng kapatid ng kaibigan ko, kapag tumungtong ka na raw sa iyong 30s, mas magiging stable na ang mga bagay-bagay. Mas okay na ang trabaho, mas sanay ka na sa pag-aalaga ng asawa’t anak, mas gamay mo na ang iyong love life at/o mas madali nang dalhin ang ilang problema, lalo na kung napagdaanan mo na dati.

Para sa baklang katulad ko, hindi ko alam. Aalamin ko pa lang. Pero feeling ko, mas magiging stable nga rin ako siguro pagdating sa career at sa life problems. Sa love life, ewan ko, pero parang mas leaning ako ngayon sa pagiging single na lang. Mas enjoy akong mag-isa, although may mga araw o gabi pa ring nakakaramdam ako ng pangungulila. Pero isang jakol lang naman, tanggal na agad ang loneliness.

Yun nga lang, ayoko namang umabot ng 40s o senior years na umaasa na lang sa onanism, a.k.a. sariling sikap. Mas masarap pa rin naman kung may ibang kamay ang gagawa nun sa titi ko. At hindi ko alam kung bakit napunta ang topic ko rito. Hindi naman ako tigang. Dala siguro ng mainit na panahon. O baka dahil ito na ang huling araw ko sa ikatlong dekada ng aking buhay.

Advertisements