Gay to hell!

by Sankage Steno

Iniisip ko, dahil bakla ako at ginagawa ko ang mga bagay na ginagawa ng mga bakla, mapupunta ako sa impiyerno kapag namatay ako. Makakasama ko sina Marcos, Hitler, Stalin, Judas at marami pang masasamang tao roon. Di rin malayong makasama ko sa impyerno si Duterte. Kasama ko silang sisigaw at iiyak habang sinusunog ang kaluluwa namin forever.

What a very nice thought.

Nagtataka lang ako kung bakit ginawa ako ng diyos na bakla kung pagbabawalan niya akong gumawa ng mga kabaklaang bagay. Hindi naman siguro siya tanga para hindi iyon maisip. Parang yung ipinagbabawal na bunga lang sa hardin ng Eden. Alam naman niyang bawal, nilagay pa rin niya. For sure ilang bilyong taon nang hindi kinakain nina Eba at Adan ‘yon, pero dahil nandun nga, isang araw, tinikman na rin nila.

Kung tama ang pagkakaintindi ko, sinasadya ng diyos na magkasala ang tao para may mailagay siya sa impyerno at mapahirapan magpasawalang-hanggan.

Ang tanong ko ngayon, kung nais ng diyos na magkasala ang mga nilikha niya, bakit pa niya sila/tayo nilikha? Dahil ba bored na s’ya sa pagiging almighty? Dahil ba sobrang mahal niya tayo gaya nang pilit itinuturo ng mga bading na pari? At dahil mahal niya tayo, kailangan nating masaktan dahil parte iyon ng pagmamahal? Tama ba ako?

Kung mali ang intindi ko, bakit hindi niya ipaintindi sa akin? Bakit kailangang matalinghaga pa ang pamamaraan niya? Bakit kailangang maging limitado ang pag-iisip ng tao? Dahil ba natatakot siyang maging kapantay natin siya? Bakla ba ang diyos?

Kasi parang ang gulo ng isip n’ya, kung may isip nga s’yang maituturing. Parang ako lang nung nagbibinata. Ang daming tumatakbo sa isip ko. Ang daming tanong na hindi ko masagot. Parang itong mga pinagsusulat ko ngayon. Idagdag mo pa na pabago-bago ang mood ko noon. Di rin s’ya masyadong madali, ha.

Feeling ko talaga confused ang diyos. May identity crisis.

But I cannot be sure. Basta ang alam ko, ayokong makipag-sex sa babae. Nakikipagkantutan din kaya ang diyos kapag nababagot siya? Kapag nalilibugan? Kapag nagmamahal? Kapag ba pumanaw ako, malalaman ko na ang sagot sa lahat ng mga tanong ko? O ganito pa rin? Puro tanong pa rin ako dahil kahit sa kabilang buhay e misteryo pa rin ang diyos?

Sana maraming gwapong bakla sa impiyerno. ❤

Advertisements