Kailangan ko ng dagat

by Sankage Steno

Mukhang drowing na naman yung lakad ko this weekend. Ang huhusay talagang kausap ng mga kaibigan, ‘no? I’m sure marami ka ring artist friends. Lahat ang gagaling magdrowing.

Nangangarag tuloy akong gumawa ng lakad sa paparating na long weekend. Gusto ko kasing mag-Boracay kaso ubusan na ng accommodation at flights. Sobrang mahal na nung mga natirang ticket. Di na makatarungan. Mas mahal pa sa ticket ng paparating kong international trip. Kalurks.

Second choice ko ang Puerto Galera, pero baka di rin matuloy dahil wala pa akong tutuluyan. Naisip ko rin, wala masyadong tahimik na lugar sa White Beach. At bilang Labor Day, for sure sangkatutak ang turistang dadayo roon. Hindi ako makakapagbasa ng libro.

Yun lang naman talaga ang aim ko. Ang magbasa ng aklat sa tabi ng dagat.

Kailangan ko ‘yon para ipahinga yung utak ko sa mga seryosong nababasa ko araw-araw. Puro sakit, gamot at scientific terms kasi binabasa ko sa trabaho. Gusto ko namang maiba. E kakatapos ko lang ding i-edit yung kwento ko. Ilang beses ko ring binasa yun nang paulit-ulit. Kaya kailangan ko talaga ng distraction.

Maliban sa pagbabasa for leisure, gusto ko ring makinig lang ng music at kumanta-kanta sa beach. By the second half of the year kasi, meron akong dalawang singing engagements. Gusto kong maghanda as early as now. Pero ayokong dibdiban ang practice. Gusto ko chill lang. Kaya sa dagat sana para mahangin at open space.

Feeling ko makakaganda yun ng boses ko.

Kung di man matuloy ang lahat ng plano ko this weekend, meron na ‘kong contingency plan. Pwede akong mag-8 Waves na lang dahil malapit sa bahay namin. Pwede ring sa SM na lang at magbabad sa coffee shop. Finally, pwede akong dumalaw sa UP at tumambay sa Sunken Garden mula hapon hanggang gabi. Isama ko na lang yung kapatid kong bunso.

Advertisements