Paitiman tayo sa Martes

by Sankage Steno

Hahaha! Success! Kala mo ha! Tuloy na tuloy na ang gala ko this looong weekend. Woohoo! Belat sa mga kaibigan kong artists. Sa inyo na ang national artist award forevs! Lels.

Syempre di ko muna ipagyayabang kung sa’n ako pupunta bukas. Sa Friday na lang siguro o sa Lunes. Depende kung kelan ako magkaka-signal. Oops… So baka ito na rin ang huli kong blog entry this week. Sa isang linggo na ulit ako makakapagsulat dito. Yahoo! Goodbye, technology! Hello, Mama Nature!

Magpapaka-survivor ako for a few days. Ibig sabihin, bukod sa mangingitim ang balat ko, mangangayayat din ako. Saya! Baka by next week, maging anim na yung pandesal sa tiyan ko. Ngayon kasi nasa apat pa lang. Lol. Hindi mo ‘to matitikman, lalo na kung babae ka. Haha! Para lang ‘to sa mga lalaki. Hihi.

Pero ang pinaka-excited talaga ako sa trip na ito e yung stargazing part. Feeling ko kasi, hindi magpapakita yung mga bituin. Pero may ibang magpapakita. Ibang tala. Hihi. Grabe, parang kinikiliti yung ano ko. Alam mo na… Sorop! Gusto mo? Yoko nga! Hahaha! Ang adik ko. Sabaw na sabay na utak ko.

Buti nga nakakapagtrabaho pa ‘ko kahit papa’no. Ewan ko lang bukas. Baka puro sabaw laman ng articles na ipa-publish ko. But I don’t care. Basta tuloy ang gala ko. Ikaw ba? Tuloy na tuloy na ba ang gala mo this weekend? Alam mo, kung di man ‘yan matuloy, ituloy mo pa rin. Be like me.

Naranasan ko na ‘yan sa Batanes two years ago. Hindi tumuloy yung mga kaibigan ko. Ako lang ang pumunta ng Batanes. Sa halip na group trip, naging solo. Pero hindi ako nagpaka-badtrip. Humanap talaga ako ng paraan. Pinush ko. At, kita mo naman, super enjoy. Ang dami ko ring natutunan mula sa mga kababayan nating Ivatan.

Tandaan ang cliché na itey: Kung gusto, may paraan; kung ayaw, maraming dahilan.

Advertisements