Sanay ka bang maglangoy?

by Sankage Steno

Nakakahiya ka kung hindi ka sanay maglangoy. Napapalibutan kaya yung bansa natin ng napakaraming anyong-tubig, never mind the world-class beaches, tapos di ka man lang nag-effort na matutong lumangoy? Nakakahiya ka talaga, gurl!

Maiintindihan ko kung may kapansanan ka. Sige, excused ka sa paglalangoy kahit posible pa rin naman. Pero dahil takot ka lang sa tubig? Takot kang malunod? Sa tingin mo yung ibang tao hindi takot malunod? Juskoday. Lahat tayo takot malunod. Sino bang me gustong malunod?

Sige, bibigyan kita ng chance na magpaliwanag. Sabihin mo, kahit anonymously, kung bakit di ka sanay maglangoy. Di ko tatanggapin yung na-trauma ka dahil may nalunod kang mahal sa buhay. Tatanggapin ko lang kung may rabies ka at takot ka talaga sa tubig. Lol. Seriously, let me know kung bakit. Ipahiya mo ‘ko sa comments. Baka naman may point ka.

Pero kung alam mo sa sarili mong naduwag o tinamad ka lang kaya di ka sanay maglangoy, well, medyo nakakahiya ka nga. It’s a life skill! Dapat kasamang natututunan ‘yan maliban sa pagbabasa at pagbibilang. Ang daming benefits kaya ng paglalangoy sa katawan. Kailangan ko pa bang isa-isahin sa ‘yo?

Alam mo, dapat nga kasama sa PE natin yung swimming e. Kahit floating man lang. Yun lang naman ang mahalaga. Kapag sanay ka nang magpalutang-lutang sa tubig, sisiw na lang yung gumalaw pasulong o paatras o patagilid. Try mo. Kahit sa gilid ka lang ng pampang o malapit sa dalampasigan.

Actually, di mo naman kailangan pumunta ng ilog o ng dagat. Andami rin kayang swimming pools sa bansa. Andaming resorts! Pwede dun! Wala ka talagang excuse para hindi matuto.

O sya, di na kita aawayin. Kung ano man ang dahilan mo, sana tanggap mo. Sana tanggap mo sa sarili mong hindi ka sanay maglangoy at hindi mo nae-enjoy ang maraming anyong-tubig sa pinagpala nating bansa. I feel a little sorry for you. Oops. Pramis, last na ‘yan.

Ang gusto ko lang talagang sabihin, sanay akong maglangoy at maglalangoy ako bukas, sa Sabado at sa Linggo nang walang humpay sa isa sa pinakamagandang too-toot site sa bansa. Hihi. Excited na ‘kong sumisid. Sorop.

Advertisements