Ayoko nang maging poging 2rista

by Sankage Steno

Habang tumatagal, lumalala yung #PogiProblems ko. Kasalanan ‘to ni Digong e. Pinapapangit niya kasi yung imahe ng Pilipinas kaya napipilitan akong magpapogi para naman may matirang magandang balita sa ating bansa.

Warning: Kung nauumay ka na sa kayabangan ko, a.k.a. pagsasabi ng katotohanan, please do not read beyond this point.

——-

Yung status ko sa Facebook nung isang araw na ginawa akong tourist spot ng ilang turista sa Apo Reef, totoo po iyon. Ang dami talagang nagpa-picture sa ‘kin na mga nakasama ko sa isla ng ilang araw. Anong magagawa ko? E ako lang ang gwapo sa napakalayong lugar na iyon. Kaya inintindi ko na lang sila.

Ang siste pa ng iba, gusto e magkadikit talaga kami sa picture. At yung mga mas malalakas ang loob, gusto pa e nakaakbay ako sa kanila. Bilang sanay naman ako sa aking fans, game naman ako. Hindi naman ako nagtaray o nagsuplado. Mapagbigay naman ako most of the time.

See? I’m beautiful inside and out. Hay, kaumay.

Kung gusto mo ng proof, wala akong maipapakita. Hindi naman kasi ako yung nagpa-picture, sila. So nasa phone at camera nila yung pictures na kasama ako. Hindi ko rin naman hiningi dahil ayokong manawa sa aking mukha. Hindi na rin naman ako mahilig magpi-picture kapag bumabiyahe. Mas focused na ‘ko ngayon sa experience kesa dun sa pwede kong i-post sa Facebook.

Speaking of Facebook, inii-stalk na ‘ko ng mga fans ko sa Apo Reef. Nagulat ako kasi may isang nag-like ng luma kong post. At nung tingnan ko kung sino siya, nakilala ko sa profile pic n’ya na isa s’ya sa mga nagpa-picture sa ‘kin. Bukod dito, may mga nag-add na rin sa profile ko. Sinabi ko kasi yung pangalan ko kaya natunton nila, pero di ko pa sila ina-accept. Wala rin akong balak.

Partida ha, wala pa ‘kong ligo masyado n’yan. Nasa isla kaya kami. Tubig-alat ang lumalabas sa poso. E ‘pag yun ang pinampaligo mo, hindi bubula yung sabon mo. So nagtiyaga ako sa puro wet wipes ang pinanglilinis sa katawan pagkatapos magbabad sa dagat at araw. Pa’no pa kung nakaligo ako, di ba? Baka pati mga shokoy sa dagat magpa-picture sa ‘kin. Lels.

Nung isang gabi sa isla, nag-abang talaga ako ng bulalakaw. Kahit puyat, nagtiyaga akong maghintay past midnight. Nakatulugan ko na nga yung pag-aabang. Hihiling sana ako na sana hindi na ‘ko maging pogi, kahit may appeal na lang. E kaso, yun nga, walang dumaan. Sad nu?

P.S. Hindi po ako yung nasa picture sa baba. Wala nga akong picture, di ba? Kulet.

Advertisements