Beau Macron

by Sankage Steno

Ang gwapo ng bagong presidente ng France. Natakam tuloy ako bigla sa French Fries. Hahaha! Mukhang may kakabog na kay Justin Trudeau ng Canada at kay Enrique Nieto ng Mexico. Sana ganito kagwapo ang mga leaders natin para happy ako lagi kapag nagbabasa o nanonood ng balita.

E kumusta naman si Duterte, di ba? Pangit na nga ang mukha, pangit pa ugali. <Suka>

Anyway, wala akong pake ngayon sa pangulo natin dahil ang gusto kong i-focus e yung bata at yummy pa na president ng France. Ang laki ng lamang n’ya sa kalaban n’ya, in fairness. Nasa 65 vs 35 percent ang agwat. Landslide talaga. Good job, French voters! Buti di kayo tumulad sa mga Amerikano na bumoto kay Trump at sa mga Ingles na bumoto sa Brexit.

So far, mukhang di lang kagwapuhan ang maio-offer ni Macron. Unang-una, pro-European Union s’ya. Naniniwala s’ya sa Euro, sa unity. Whatever that means. Di tulad ng kalaban n’yang si Marine Le Pen na balak din yatang tumiwalag sa EU at maki-Francexit. Buti na lang mas matalino ang mga Pranses. Mabuhay ang Les Mis! Mabuhay si Jean Valjean! Charot!

Maliban sa isyu ng EU, may napanood din akong video kay Macron na nag-iimbita sa mga researchers para pumunta sa France at magsiyasat tungkol sa Climate Change. Opo, naniniwala s’ya sa Climate Change, di tulad nina Trump at Duterte. Mga bobo. Kahit hainan mo ng scientific data, hindi pa rin maniniwala. Itong si Macron, sabi n’ya, hindi raw n’ya babawasan ang budget para sa Climate Change research.

Buti naman. For sure makikinabang din ang Pilipinas dito kung saka-sakali. Tayo kaya ang isa sa pinaka-vulnerable sa epekto ng Climate Change. Hello, Yolanda?

Sana sa darating na legislative election nila (next month yata), matalo yung mga kapartido ni Le Pen. Independent candidate kasi ‘tong si Macron, so wala s’yang party. Wala rin s’yang “kakampi” sa legislative branch ng kanilang gobyerno. Ibig sabihin, mahihirapan s’yang bumuo ng mga batas na ayon sa kanyang plataporma kasi nga wala s’yang kapartido.

Pero, who knows? Sabi ko nga, mas matalino ang French voters kesa sa mga botante sa US o sa Pinas. Siguro naman pipiliin nila yung mga taong naniniwala kay Macron. Tulad ko. Naniniwala ako kay Macron. At naniniwala akong isang katulad n’ya ang makakabuhay ng aking French bulldog. #Charaught

Advertisements