Porktangina

by Sankage Steno

Sabi ko sa kaibigan ko, humanda na s’yang sumugod sa kalsada dahil mukhang nalalapit na ang paglaya ni Janet “Pork Barrel Queen” Napoles. Pareho kaming nangangamba na bukod sa kanya, susunod na rin sina Jinggoy Estrada at Bong Revilla. Worse, maliban sa pagpapalaya sa mga kurakot na ito, baka mabura din ni Duterte ang lahat ng gains ng previous admin.

Kampante naman ako na tataas pa rin ang ekonomiya natin, na madadagdagan pa ang trabaho sa bansa at mababawasan ang mga nagugutom. Mahusay kasi ang ginawa ni PNoy at, yeah, ni GMA noong termino nila. Ang ikinakabahala ko e yung sa Justice system. Kapag kasi ganito kadaling ma-reverse ang desisyon ng korte at mapawalang-sala ang mga malalaking kriminal sa bansa, mapapaisip ka, “Para saan pa ang mga abugado at mga hukom?”

Eto nga’t kakalabas lang resulta ng Bar exams at mahigit 50 percent ang pumasa. Nagtataka lang ako. Bakit sa dinami-rami ng abugado natin, ang hirap pa ring makamit ang hustisya? Bakit ang dami pa ring big time criminals ang malayang nagagawa ang gusto nila? Ang hindi nakakulong?

Bakit iyong mga mahihirap at walang laban, hindi na dinadala sa korte? Baril agad.

Ang isa pang kinatatakot ko sa nakaambang paglaya ni Napoles, baka gamitin s’ya ni Digong o ng mga galamay n’ya para idiin at ipakulong ang mga tutol sa kanya. Tulad na lang ng ginawa nila kay De Lima. Naipakulong nila nang ganun lang kahit di pa naman napapatunayang may kinalaman siya sa droga.

Ang hinala ko, kapag malaya na si Napoles, gagamitin nila itong witness para tanggalin sa pwesto si Vice President Leni Robredo. Ito ang ituturo nilang “mastermind” ng drug trade sa Bilibid o kung saan man. At ‘pag natanggal si Leni, who knows kung sinong demonyo ang ipapalit sa kanya ni Digong?

Isa pa, di ba nga inakusahan na nila si Jesse Robredo na may kinalaman din daw sa Droga? Gago rin ‘tong si RJ Nieto at yung We Are Collective na puro kasinungalingan at propaganda ang pinapakalat. Mga hinayupak. At nakuha pa nilang sumulat sa Harvard para pigilan yung pag-aaral doon ni Aika, ha. The nerve! Palibhasa itong si Nieto, hindi nakapasok sa Harvard. Di ko nga alam kung nakatapos s’ya sa UP e.

Bayarang bakla.

Sana lang hindi makalaya itong si Napoles. Hindi lang pork barrel ang babalik kung sakali. Pati ako babalik sa kalsada. Paubos na ang leave ko, anoba! No work, no pay na naman! Pakingshet.

Advertisements