No to slut shaming

by Sankage Steno

Titigilan ko na po ang pang-i-slut shame kay Miss Communication Ass-Sec Mocha Uson. Hindi ko na po ibi-bring up ang kanyang past. Kahit pa nagkalat sa internet ang mga sex education videos at sexy performances n’ya, hindi ko po iyon gagamitin laban sa kanya.

Hindi na.

Tulad po ng ginawa ni Jesus Christ sa pokpokitang si Magdalena, hindi ko na po babatuhin si Mocha ng mga kabastusan niya noon. Tulad din ni Virgin Mary, maniniwala na po akong Espiritu Santo talaga ang dahilan kung bakit naluklok sa pwesto niya si Mocha.

Kung nagawa ni St. Paul na magbago, mula sa pagiging tagakatay ng mga unang Kristiyano patungo sa pagiging tagapagtanggol ng mga ito, naniniwala po akong ganun din ang magagawa ni Mocha at ng kanyang among si Katay Digong. Mula sa paghuhubad, magiging kagalang-galang na si Mocha. Mula sa pagiging tagakatay ng mahihirap, magiging tagapagligtas na si Duterte.

Hindi naman po ginusto ni Mocha na maging sexy star. May Med Tech degree po s’ya sa UST. Napilitan lang po s’yang maging sex guru dahil ayaw n’ya pong mangalikot ng tae at magtampisaw sa ihi ng ibang tao. Mas katanggap-tanggap pong paglaruan ang ibang bodily secretions kesa d’yan sa mga nabanggit ko.

At hindi po masamang maging sexy star. Marangal po s’yang trabaho.

Sa katunayan, pangarap ko na rin pong maging sexy star. Gusto ko pong magturo ng sex education sa kabataan, lalung-lalo na sa mga kalalakihan. Ito po kasi ang nakikita kong susi para makatungtong din ako sa Malacañang balang araw. Kung nagawa po ni Mocha, magagawa ko rin. She’s my inspiration.

Naniniwala po akong Mocha deserves her position. Actually, she deserves any position there is. She’s multi-talented, she’s smart, she’s pure. Higit sa lahat, hindi s’ya basta-basta naano lang. Di tulad ng ibang babaeng nagpadala lang sa tawag ng laman at nakipagtalik sa kung sinong lalaki d’yan sa tabi-tabi.

Ibahin n’yo si Mocha.

Karapatdapat lang na tumanggap siya ng mahigit P100,000 kada buwan mula sa ating tax. Kulang pa iyon kumpara sa hirap niya bilang tagapagsalita ng Malacañang. Mahirap pong magsalita. Tanungin mo pa yung mga call center agents. It’s not easy, you know. It’s hard. Really hard.

Advertisements