Kailan mamamatay si Duterte?

by Sankage Steno

Pinag-aaralan ko talaga kung kailan mamamatay ang ating pangulo dahil mahalaga ito sa magiging kapalaran ng ating bansa at nating mga Pilipino.

Matagal nang natsismis na may throat cancer daw si Duterte, 2015 pa. Pero dineny n’ya na rin ito. Sabi n’ya, “My throat is okay including my tongue. Nothing wrong with the throat, and with the tongue and everything.”

Sayang.

Anyway, baka naman nagjo-joke lang si Duterte. Baka meron nga siyang throat cancer. So ang ginawa ko, ginoogle ko kung ano ang survival rate at life expectancy ng mga nagkaka-throat cancer. Ang sagot, depende kung anong stage na ng cancer. Since hindi naman natin alam kung nasa anong stage na si Digong o kung may cancer nga s’ya, hinulaan ko na lang.

Stage IV – Ang survival rate sa stage na ‘to ay below 5 percent at ang life expectancy ay  nasa 3 to 6 months. Dahil 2017 na, tapos na rin ang pangakong 3 to 6 months ni Duterte, ibig sabihin, hindi ito ang stage ng throat cancer ng ating pangulo.

Stage III – Ang survival rate sa stage na ‘to ay 40 to 50 percent at ang life expectancy ay nasa 2 to 3 years. Kung 2015 pa natsismis na may throat cancer si Duterte at 2017 na e nakakapag-travel pa rin s’ya sa ibang bansa, malabong ito ang stage ng cancer n’ya.

Stage II – Ang survival rate sa stage na ‘to ay around 65 percent at ang life expectancy ay nasa 5 to 8 years. Kung 2015 na-diagnose ang throat cancer ni Duterte, pwede pa s’yang mabuhay hanggang 2023. Matatapos pa n’ya ang kanyang termino bilang pangulo. Tsk.

Stage I – Ang survival rate sa stage na ‘to ay mahigit 85 percent at ang life expectancy ay 15 to 20 years. Pwedeng-pwede ka pang mamuhay nang normal at masaya. Pwedeng-pwede pang mag-declare ng martial law si Duterte at i-extend ang kanyang panunungkulan. ‘Wag naman sana.

Ayan. Personally, baka nasa stage II pa lang yung cancer ni Duterte, kung totoo nga ang tsismis. Worse, stage I. Worst case scenario, wala s’yang cancer. Hay. Pero don’t think naman na I want our president to die. No! Ayoko s’yang mamatay. Lels. Ang sinasabi ko lang, sana mamahinga na s’ya. For life. Matanda na rin naman s’ya, well past the retirement age.

Kung naniniwala nga lang ako sa diyos, ipagdarasal ko na kunin na s’ya para makamit na n’ya ang pahingang kailangan n’ya. E kaso atheist ako. Saka naniniwala akong ang masamang damo, matagal mamatay. Kita mo si Enrile. Ergo, hindi mamamatay si Digong anytime soon. On the bright side, pwede pa s’yang mag-resign para si Leni Robredo na ang maging pangulo.

Advertisements