Extending Martial Law

by Sankage Steno

Tama nga ang hula ko na magdedeklara si Duterte ng martial law within a year of his presidency. Napaka-predictable naman kasi ng galawan n’ya. Very Marcosian. Pero phase II pa lang ito ng Plan B. Marami pang mangyayari sa taong ito.

Heto ang mga panibago kong hula:

  • Ie-extend ni Duterte ang martial law, both in time and in space. From 60 days, magiging 1 year ito, and from Mindanao, masasama na rin ang Visayas at Luzon. Paano? Magkakaroon ng kidnapping (c/o Abu Sayyaf) sa Bohol, Palawan at/o Boracay at madadagdagan din ang mga pagsabog (c/o ISIS) sa Metro Manila. Gagamitin ng pangulo ang “state of lawlessness” na ito para pahabain at palawigin pa ang umiiral na martial law ngayon sa Mindanao.
  • Although iba ang martial law ngayon kumpara kay Marcos dahil sa limitasyon na nasa 1987 Constitution, mababalewala ito kapag in-abolish na ang Congress at Supreme Court through unconstitutional means. Kung ano ito, hindi ko alam. Pwedeng sangkatutak na EO, sandamakmak na EJK o civil war.
  • Gagamitin ni Duterte ang extended martial law para iluklok sa pwesto si Bongbong Marcos. Iyon naman talaga ang plano simula pa noong una. Sagabal lang si Leni Robredo at ang mga “dilawan.” Paano ‘to mangyayari? Pwedeng i-appoint n’ya si Bongbong na kapalit n’ya o pwersahin ang SC na ideklarang VP si Bongbong, saka bababa sa pwesto si Duterte dahil sa sakit n’ya.

Lilinawin ko lang, wala pong malinaw na basehan ang mga pinagsasabi kong ito maliban sa aking malikot na imahinasyon at sa mga patse-patseng balitang nababasa ko tulad nito, nito at ito pa. Idagdag mo pa yung mga pahayag ng ating pangulo (see this and this) na di mo alam kung joke ba o hinde. Oh well, jokes are half meant, di ba?

Heto pa ang isang fearless forecast ko na walang malinaw na basehan: Mamamatay si Duterte sometime in August-September.

Paano? Well, kung totoong may cancer siya at malala na ito, ilang buwan na lang ang itatagal n’ya. That’s reason no. 1. Pangalawa, pwede s’yang madale ng coup dahil hati ang militar at may paksyon na ayaw sa mga pinaggagagawa n’ya. Kung di s’ya aalis sa pwesto, malamang mapapatay s’ya. Pangatlo, aatakihin siya sa puso dahil matanda na s’ya at lagi pa s’yang bumabiyahe sa ibang bansa. Kapagod kaya ‘yon.

Pero kung magkakamali ako at mabubuhay pa s’ya nang matagal, dapat ay mag-ingat-ingat si Duterte sa larong sinimulan n’ya. Marami s’yang bobong kakampi sa bansa, pero di rin kakaunti ang mga galit sa kanya dahil sa mga pinaggagagawa n’ya (West PH Sea, Marcos sa LNMB, paglaya ni GMA at posibleng pati si Napoles, drug war, etc.). Idagdag mo pa itong martial law ngayon.

Si GMA nga, hanggang sa Maguindanao lang yung idineklarang martial law noong 2009 dahil sa Maguindanao Massacre at hanggang state of rebellion lang noong umatake yung mga tao sa Palasyo noong kasagsagan ng “Hello, Garci” scandal. Si P-Noy naman, pinigilan ang sariling magdeklara ng martial law noong Zamboanga Siege. Tapos si Duterte, dahil lang sa gulo sa Marawi (na maliit ang casualties kumpara sa Zambo Siege), nagdeklara agad ng martial law? Pwede namang state of rebellion muna.

Again, ingat-ingat po, Duterte, kung ayaw mong gawin ni Leni Robredo ang tungkulin n’ya bilang “spare tire.”

Advertisements