Wala sa umpisa ang pagsisisi

by Sankage Steno

Sa mga kampanteng nagsasabing ayos lang ang pagdedeklara ng martial law sa buong Mindanao dahil sakop naman ito ng kapangyarihan ni Pangulong Duterte at nasa Konstitusyon naman ito, mabilaukan ka sana sa kinakain mo. Baka kailangan mo na ring magpatingin sa optometrist dahil ang myopic ng pananaw mo, ulul!

Unang-una, si Duterte ang pinag-uusapan natin dito. Inuulit ko, si DUTERTE! In case nakalimutan mo na, siya yung gustong mauna sa Australian missionary na ni-rape at pinatay; siya yung nagsabing ang mga drug addict ay hindi tao at dapat lang mamatay; siya yung hindi naniniwala sa human rights; siya yung nagpalaya kay GMA, nagpalibing kay Marcos sa LNMB at balak magpalaya kay Napoles; at siya yung umaming marami nang pinatay noon.

Tapos sasabihin mo destabilizer at dilawan ako dahil hindi ko suportado ang pagdedeklara ng martial sa BUONG MINDANAO? Gago ka ba?

Alam mo, kahit sinong tao pa ang magdeklara ng martial law sa Pilipinas, kahit si Leni Robredo pa ‘yan o si Aling Puring, kukwestyunin ko pa rin ‘yan. Bakit kamo? E kasi po, hindi naging maganda ang kinahinatnan ng bansa natin sa ilalim ng martial law noong panunungkulan ni Ferdinand Marcos.

Uulitin ko yung sinabi ko kahapon sa blog ko. Noong 2009, nagdeklara ng martial law si GMA sa Maguindanao lang. Doon lang, hindi sa buong Mindanao. Alam mo reaksyon ng mga tao noon? Galit! Madaming kumontra. Wala pa masyadong trolls noon kaya di dama sa Facebook. Noong kasagsagan naman ng “Hello, Garci” scandal, sumugod yung mga tao sa Malacañang. Alam mo ginawa ni GMA? Nagdeklara s’ya ng STATE OF REBELLION, hindi martial law. Anong reaksyon ng mga tao? Lalong nagalit! Ang dami ring kumontra.

Tapos ngayon, hindi mo kukwestyunin yung pagdedeklara ng MARTIAL LAW SA BUONG MINDANAO NI DUTERTE? Ano, bes?! Normalan na lang ang martial law? Nagsawa ka na sa mga “joke” ni Duterte? Nasanay ka na ba sa mga patayan at paglabag sa karapatang-pantao? Manhid ka na kaya sige na lang nang sige? Apathetic ka na, ha, bes? Ulul ka!

Sa ganyan mismo nagsisimula ang pasismo, ang paghahari ng mga diktador. Kapag nagsawa, nasanay, namanhid at naging normal na lang sa ‘yo ang mga nangyayari sa paligid, saka lalong aabuso yung nasa kapangyarihan. Sige, sabihin mo pang tama lang ang ginawa ni Duterte, bukas makalawa, buong Pilipinas na ang under martial law. Magiging legal na ang panghuhuli ng walang warrant of arrest.

Uulitin na naman natin yung pagkakamali natin noon. Ang tanga lang, di ba? Ang tanga mo lang, bes!

Kung pipiliin mong tumahimik na  muna at mag-OBSERVE o maghintay sa mga mangyayari, kung dedepensahan mo pa ang ginawa ni Duterte dahil LEGAL naman ito at CONSTITUTIONAL, kung magpapakakampante ka dahil naniniwala kang magiging MAAYOS ang lahat, nauulul ka na talaga. Hindi ako ang destabilizer, ikaw! Ulul!

Advertisements