Duterte the Rapist

by Sankage Steno

Ligayang-ligaya sa panonood ang mga tao habang kinakantot ni Pangulong Duterte ang Inang Bayan. Ang akala yata nila hindi sila magagahasa kapag pinagpatuloy nila ang bulag na pagsunod at pagpapaubaya sa pangulo. O baka naman gusto talaga nilang magahasa?

Paano ginagahasa ni Duterte ang Pilipinas?

Una, nilalamas niya ang Konstitusyon para mapairal ang Martial Law sa Mindanao na matagal na niyang pinag-iisipang gawin. Ngayon, balak na rin niyang palawigin ang sakop nito sa buong bansa gamit ang paborito niyang dahilan: drug war.

Pangalawa, matapos gamitin at pagsamantalahan ang Konstitusyon, iiwan ito ni Duterte na parang puta. Sabi niya, hindi siya susunod sa Korte Suprema kung sakaling magdesisyon itong ipawalang-bisa ang umiiral na Martial Law sa Mindanao. Malinaw na nakasaad sa Konstitusyon na maaaring bawiin ng Kongreso o Korte Suprema ang pagdedeklara nito kung sakaling walang malinaw na basehan o kung tapos na ang pangangailangan dito.

Pangatlo, gina-gang rape ng mga kaalyado ni Duterte sa Kongreso ang Konstitusyon sa hindi nila pagko-convene para pag-usapan kung dapat ba o hindi nararapat ang pagdedeklara ng Martial Law. Malinaw ang nakasaad sa ating Saligang Batas (Article VII, section 18):

Within forty-eight hours from the proclamation of martial law or the suspension of the privilege of the writ of habeas corpus, the President shall submit a report in person or in writing to the Congress. The Congress, voting jointly, by a vote of at least a majority of all its Members in regular or special session, may revoke such proclamation or suspension, which revocation shall not be set aside by the President. Upon the initiative of the President, the Congress may, in the same manner, extend such proclamation or suspension for a period to be determined by the Congress, if the invasion or rebellion shall persist and public safety requires it.

The Congress, if not in session, shall, within twenty-four hours following such proclamation or suspension, convene in accordance with its rules without any need of a call.

The Supreme Court may review, in an appropriate proceeding filed by any citizen, the sufficiency of the factual basis of the proclamation of martial law or the suspension of the privilege of the writ or the extension thereof, and must promulgate its decision thereon within thirty days from its filing.

Pang-apat, sapilitang sinasalbahe ni Duterte ang peace and order situation sa bansa. Itinigil na ng gobyerno ang usaping pangkapayapaan sa mga rebeldeng komunista at inabandona ang peach agreement sa Bangsamoro. Maliban dito, tinalikuran na rin niya ang US at Europe para himurin ang puwet ng China na gustung-gusto rin tayong gahasain sa pamamagitan ng mga utang at pagsamsam sa ating teritoryo.

Panlima, habang tumitirik ang mata ni Duterte sa pagsasalsal sa kapangyarihan, lalo namang dumarami ang nagugutom at naghihirap sa bansa, na maaaring makadagdag sa dami ng mga rebeldeng komunista at mga terorista sa bansa. Si Joma Sison na mismo ang nag-utos na dagdagan pa ang pag-atake sa Mindanao dahil sa pagdedeklara ng Martial Law dito. Ang presensya rin ng militar ay maaaring lalong makasama sa relasyon natin sa mga Muslim, Moro at Lumad.

Pang-anim, habang sarap na sarap si Duterte sa pagpapakasasa sa kapangyarihan, papangit naman nang papangit ang imahe natin sa mundo, dahilan para magsipag-alisan ang mga turista at humina ang kita ng mga Pilipinong nakaasa sa turismo ang hanapbuhay.

Pampito, hindi lang si Duterte ang panay ang kadyot. Dahil sa kanya, balik-kapangyarihan na naman ang mga dating oligarchs na nauna nang gumahasa sa bansa. Maliban sa kanila, dadagdagan pa niya ito ng mga bagong rapist-oligarch na galing naman sa Mindanao, a.k.a. mga negosyanteng tumulong sa kanya noong eleksyon.

Habang hinihimod at kinakalantari tayo ni Duterte, tuloy naman sa pagsuporta ang marami sa atin. Sa halip na sumigaw o magalit o tumanggi, sila pa itong ligayang-ligaya at nagtatawag pa ng ibang makakasama sa panggagahasa ng pangulo. Napaghahalata ang pananabik ng marami nating kababayan na makantot, mahindot at matira nang harapan, kahit pa ikamatay nila iyon.

Advertisements