Bakit ang tahimik mo ngayon?

by Sankage Steno

Sa mga matatalinong bumoto kay Duterte noong isang taon, natutuwa ka ba na si Mocha Uson ang isa sa kumakatawan sa gobyerno at nagsisilbing mouthpiece ng sambayanang Pilipino? Ikinagagalak mo ba na ang buwis na ibinabayad mo galing sa iyong sweldo at mga pinamimili ay napupunta sa dibdib ni Mocha?

Sorry, I’m slut-shaming her again. Let me rephrase that: …ay napupunta sa bulsa ni Mochantot? Oh no, I can’t help it. I’m so sorry.

Anyway, kung oo ang sagot mo, please stop reading at magpatuloy ka na sa pagbabasa mo ng fake boobs, este… fake news na galing sa Mocha Uson Blog at sa Philippine News Agency. D’yan ka naman talaga matalino, sa pagtangkilik sa mga peke at sa pagpapauto. Alam ko may Masters at PhD ng Ulology sa Wanbol University, baka gusto mong mag-enroll next school year. Papasa ka d’yan with flying colors for sure.

Alam mo kasi, mamshie, pansin ko noong isang taon na todo ang pagtatanggol mo sa rape jokes ni Duterte. Tapos sa halip na mainis, hangang-hanga ka pa sa strategy ni Duterte na kunwari ayaw tumakbo pero tatakbo naman pala sa pagkapangulo sa huli. May #DuterteSerye ka pang nalalaman. E ba’t ang tahimik mo ngayon? Ba’t di mo na ‘ko inaaway sa comment section? Ba’t di ka na nakikipagtalo sa mga dilawan?

Alam mo, silence means yes. But let me improve on that. Silence means pahiya ka. Tama ba ‘ko? Na ikaw ay isa sa milyun-milyong #NaDuterte, a.k.a. nauto/nagpauto?

Okay lang ‘yan, bes. What’s done is done. Ang ipinagtataka ko lang, bakit kung kailan kailangang mag-ingay at punahin ang mga kapalaluan ng taong binoto mo, e saka ka naman nananahimik? Ako nga, kahit binoto ko si PNoy, nag-ingay pa rin ako sa Luneta at sa Ayala noong pumutok ang Pork Barrel Scam. Inaway ko rin s’ya noong Yolanda at sa SAF44. Ba’t di mo magawa ngayon kay Duterte?

Nabahag ba buntot mo? Takot lang? O more on pahiya lang talaga at shut up ka na lang kesa mapahiya pa lalo?

Ang hirap din ng posisyon mo, ‘no? Alam mo ngang nagkamali ka sa pagboto kay Duterte, pero di ka makapalag ngayon kasi baka atakihin ka ng mga dati mong kakamping nagpapakaulul pa rin hanggang ngayon. Alam mo, try mo lang. Try mo lang magsalita kahit once. Mahiya ka naman sa 8,000 na namatay dahil sa drug war. Pati mga inosente nadamay dahil sa kabobohan mo.

Oops, sorry. Matalino ka nga pala. UP ka, di ba? Parang si Marcos lang?

Advertisements