Atat na atat maging VP

by Sankage Steno

Nag-file na naman ng motion sa Supreme Court itong si Bongbong Marcos para bilisan yung proseso sa inihain n’yang election protest last year. Hayok na hayok nang maging VP kahit di naman s’ya talaga yung binoto ng mga tao. At bakit naman excited much itong si BBM? Mamamatay na ba si Duterte?

Oops.

Sorry, ha? Yun talaga ang unang pumasok sa isip ko pagkabasa ng headline ng balita sa Rappler. E kasi naman, sabik din ‘tong si BBM na maging presidente ng Pilipinas. ‘Wag naman sana. Please lang! Kapag kasi naging VP s’ya at pinapatay nila (o mamatay sa sakit) si Duterte, s’ya na ngayon ang magiging pangulo.

Kapag s’ya na ang nasa palasyo, madali na n’yang mabubuwag ang PCGG na naghahabol pa rin hanggang ngayon sa mga nakaw na yaman ng pamilya nila. Madali na rin n’yang mababago ang kasaysayan. Ngayon pa nga lang e marami nang naniniwalang golden age ang martial law years sa ilalim ng diktador niyang ama. Pa’no pa ‘pag kaya na n’yang mag-appoint ng tuta n’ya sa DepEd?

Gudlak talaga.

Anyway, going back sa pagkaatat ni BBM. Kung mali ako at hindi pa talaga mamamatay si Duterte, ang isang naiisip kong dahilan kung bakit minamadali niya ang SC e dahil sa laki ng nagastos n’ya. Di ba nga, nagbayad s’ya ng P36 million na installment fee para dun sa recount na gusto n’yang mangyari? Magbabayad pa s’ya ulit ng another P30 million sa July.

Ang dami po niyang pera, hano? Sa’n kaya niya nakuha ‘yon? Hihi. Samantalang si Leni Robredo, hirap na hirap sa pangangalap ng pera para sa kanyang counter protest. Sa katunayan, bumaba ng 2 milyong piso ang kanyang SALN nitong nagdaang anim na buwan. First time kong nakabasa ng balita na bumaba ang yaman ng isang pulitiko.

It tells a lot, mind you.

Anyway, hindi ako convinced na dahil sa laki ng gastos kaya minamadali ni BBM ang SC regarding sa kanyang election protest. Mas convinced pa rin ako sa una kong naisip na mamamatay na si Duterte. O kahit hindi mamamatay. Baka ipapapatay. E kung mangyari ‘yon, sinong papalit sa kanya? E di yung spare tire ayon sa Constitution. At hindi dapat si BBM ‘yon.

Advertisements