Pambansang Pagkain

by Sankage Steno

Maliban sa adobo, lechon at halo-halo, marami pang pagkaing Pinoy ang dapat na makilala sa buong mundo. Naisip ko kasi, sobrang nami-miss ko yung Pad Thai sa Bangkok, pati yung mga dimsum sa Hong Kong. Dapat ganun din yung maramdaman ng mga banyaga kapag pumunta sila rito at bumalik sa kanilang bansa.

Ang problema lang sa adobo, lechon at halo-halo, hindi sila ganun ka-healthy sa katawan. Masyadong mamantika ang adobo, sagana sa taba ang lechon at sobrang tamis naman ng halo-halo. Iniisip ko ngayon kung ano yung isang pagkaing Pinoy na pwedeng ma-miss ng mga tao pero hindi masamang kainin araw-araw.

Nabasa ko yung article tungkol kay Anthony Bourdain. Sabi n’ya, dapat daw makilala ng mundo ang sisig. “Hot, sizzling, crispy, sticky, delicious bits of pork with many textures, goes really well with beer,” sabi niya. Agree naman ako. Pero gaya ng adobo at lechon, hindi maganda sa katawan ang sisig kung aaraw-arawin.

So ano ba yung Pinoy food na masarap na, healthy pa?

Una kong naisip ay ensaladang talong, pero hindi lahat ay mahilig sa gulay. Hindi ko rin sure kung originally Pinoy talaga ‘tong pagkaing ‘to. Sunod ko namang naisip e daing na bangus. Okay sana, pero di ko sure kung papatok yung lasa n’ya sa maraming tao. Prito rin s’ya, so hindi rin masyadong healthy. Third, bulalo. Masarap yung sabaw at yung utak, pero nakakabata rin. Masyado rin s’yang simple for me.

Then, finally, naalala ko yung lagi kong pinapaluto sa lola ko kapag umuuwi ng probinsya: Sinigang.

May kaklase akong Korean noong college. Tinikman niya yung sinigang na baboy sa canteen at di n’ya kinaya. Masyado raw maasim para sa panlasa n’ya. Well, masyado rin namang maanghang yung maraming Korean food for me. So I think may chance ang sinigang, lalo na kung mai-improve pa.

Bukod sa malasa ang sinigang, sobrang flexible din n’ya. Pwede kang magluto ng sinigang gamit ang sampalok o bayabas o santol o miso. May ilang restaurant din na ang ginagamit na panigang ay pakwan. Naalala ko nang dumalaw yung mom ng kaibigan kong Amerikano dito sa Pinas. Dinala namin sa Ayala Triangle, dun sa Simple Lang. Sarap na sarap s’ya sa sinigang na baka sa pakwan. Ako rin sarap na sarap.

Bukod sa baka, pwede rin ang baboy, manok o isda o hipon sa sinigang. Hindi s’ya mamantika. Magulay din. Pwede mong lagyan ng kangkong, okra, labanos, puso ng saging, gabi, bataw, kamatis at kung anu-ano pa. May mga kilala akong Pinoy na nasa ibang bansa na gumagamit ng spinach sa halip na kangkong. Di ko lang sure kung may gumamit na ng karne ng kabayo o tupa sa sinigang.

The possibilities are almost endless! Versatile, di ba? Parang tayong mga Pinoy. Kahit saan isabak, laban!

Isa pa, kung masyadong maasim, pwedeng bawasan. Depende sa timpla mo. Pwede rin syang gawing maanghang. Depende sa panlasa mo. Pwede mong patisan kung nakukulangan ka sa alat o para makontra yung sobrang asim. Bagay na bagay s’ya sa kanin. Pero pwede rin namang higupin lang yung sabaw. Shet, natatakam na ‘ko. Sana may Pinoy chef na maka-rediscover sa sinigang at gawin pa itong mas bongga.

Advertisements