Paghiwa-hiwalayin ang kayamanan

by Sankage Steno

O ngayon alam n’yo na kung bakit mahalaga ang diversification ng funds/pera ninyo? Sabi nga ng mga financial experts, huwag ninyong ilalagay ang lahat ng itlog sa iisang basket. Bakit kamo? Kasi ‘pag nasira o nabitawan mo yung basket, basag lahat ng itlog mo. Ano pang babatihin mo? Hihi.

Dahil sa nangyari sa BPI ngayong araw, it’s a lesson na rin sa ating mga mortals na araw-araw nagpapakahirap para kumita na pahalagahan ang ating mga nakaimpok na pera. Ang unang aral na dapat nating tandaan ay ito: BPI stands for Bank of Putang Ina. Charaught!

First lesson: Diversify! Paghiwa-hiwalayin mo kung saan nakalagay ang pera mo. Huwag lang sa iisang alkansya o sa iisang bangko. Para in case magkaaberya o mawala yung isa, may iba ka pang pagkukunan. Minimize the risk, ika nga.

Although hindi ko pa alam kung nabawasan o nadagdagan yung pera ko sa aking BPI account, hindi ako masyadong worried dahil may iba pa naman akong mapagkukunan ng pera. Hindi lang sa BPI nakalagay ang pera ko. Meron din sa ibang bangko. At isa pa, may pera pa ako sa bulsa.

That leads me to my second lesson: Prepare for the rainy days!

Hindi po araw-araw tag-araw. Darating at darating ang bagyo sa ating financial life, kaya dapat ay lagi kang may mapagkukunan ng pera. Dapat ay may ipon ka o emergency fund. Pwede rin namang umutang. Dapat ay may mga tao o institution kang malalapitan sa oras ng pangangailangan. Ang tanong, may collateral ka ba? May magpapautang ba sa ‘yo? Therefore…

Third lesson: Be credit-worthy! Dapat ay karapatdapat kang pautangin. Paano ka naman magiging deserving sa pautang? Kung sa bangko ka uutang, dapat ay may collateral ka nga tulad ng ari-arian, bahay, lupa, kotse o kahit anong pwede nilang kunin in case di ka makabayad. Kung sa tao ka naman uutang, be sure na maganda ang record mo in the past. Nagbabayad ka ba on time o lagi-lagi? O baka naman nagtatago ka? Also, mabait ka bang kaibigan?

Dear readers, mahirap pong kumita ng pera kaya dapat ay pahalagahan ang bawat piso. Kung nakakaluwag-luwag ka naman, be kind. And learn to invest na rin para umikot yung pera mo at mas marami ka pang matulungan. Ayan ha, inuulit ko… matulungan. Pautang naman d’yan!

Advertisements