Thank you for your patience and sorry for the inconvenience na lang?

by Sankage Steno

Fine, this is a middle-class problem. The oligarchs and the lumpenproletariat couldn’t care less because the former have other sources of money and the latter have zilch. So what? Oo, I’m talking about the BPI mess na akala ko ay okay na kanina pero nag-shutdown na naman dahil sa di pa pala naaayos na data processing error.

Paano yung mga may bills na dapat bayaran kahapon o ngayon pero na-delay at nagka-penalty dahil sa kapalpakan ng BPI? Paano yung mga wala nang cash at di makapag-withdraw? Anong ipanggagastos nila? Paano yung mga wala namang mahihiraman ng pera? Paano yung mga wala namang ibang bank account? Tiis-tiis na lang? Hindi ba pwedeng pagbayarin yung BPI sa ginawa nila?

Ang hirap kasi nito, kapag consumer ang di agad nakabayad sa credit card o sa loan, papatawan na ng sangkatutak na penalty at interest, pero ‘pag bangko ang pumalpak, thank you for your patients and sorry for the inconvenienceĀ na lang?

I’m not a lawyer or a banker kaya hindi ko alam ang pwedeng gawin para mapanagot itong BPI. Ang laking perwisyo ng dalawang araw na hindi mo magamit yung ATM. Forced diet na nga ako ngayon e. Although pabor s’ya sa physical figure ko, hindi s’ya maganda sa blood sugar at lipid profile ko. Panira din ng buhay dahil di ako makagala o makapanlibre ng kaibigan. Kasi nga walang ATM na gumagana.

Fine, gumagana yung mga bangko at pwede pa rin ang over-the-counter transactions. Paano naman kung busy ka sa trabaho at di makalabas? Paano kung malayo pa yung BPI branch? At paano na lang yung haba ng pila sa mga counter? Sayang sa oras. Pila na nga sa EDSA, pila pa rin sa bangko. Nauubos ang buhay ko sa pila at sa paghihintay. Zombie mode na lang, gano’n?

Sana may concerned group o citizens na mag-file ng suit against BPI. Di ko alam kung may ganito nang kaso dati, pero kung landmark case ito, so be it. Kailangang patawan ng penalty at dagdag na interes ang bangkong ‘to dahil sa napakalaking pagkakamaling ginawa nila, kahit di pa ‘yon sinasadya.

For us, the middle-class, sa mga consumer, client at employer, maybe this is a good time to switch banks or have an alternative one para hindi tayo naaagrabyado nang ganito. Ayokong mangutang. Ayokong mag-forced diet. Ayokong galawin yung savings ko.

Lawyers, what are our options? Please advise.

Advertisements