Office Rant

by Sankage Steno

Kung friend kita sa Facebook, baka napapansin mo yung halos linggo-linggo kong pagpo-post ng rant tungkol sa mga nangyayari sa office at sa mga ginagawa ng officemates ko. Alam na alam mo na siguro na ayaw ko sa mga dumidighay nang malakas, sa mga naggugupit ng kuko sa station nila, sa mga natutulog sa pwesto nila habang busy ka sa pagtatrabaho, sa mga madadaldal at maiingay at kung anu-ano pa.

Eto ngang latest, biglang nag-ingay yung isa kong officemate. Dala-dala yung tasa n’ya, nag-ikot s’ya sa buong office para ibalitang may kitikiti yung water dispenser namin. Napangalahati na n’ya yung iniinom bago n’ya makita yung lumalangoy na wildlife sa kanyang tasa.

Ang saya, ‘no?

But don’t get me wrong. Hindi ako galit sa mga tao sa office at lalong hindi totoong ayaw ko sa trabaho ko. It’s quite the opposite. Love ko yung mga katrabaho ko at yung trabaho ko, pati yung office namin. Kaya nga lagi kong pino-post sa Facebook e. Hinahanapan ko lagi ng nakakatawang anggulo yung mga nangyayari dito. Kasi nga kahit nabubwisit ako, at least di ako bored.

Impak, nag-eenjoy ako.

Katulad ngayon, nagpapatugtog nang malakas yung artist namin sa Mac computer n’ya. Pwede namang mag-headphones, pero naka-speaker talaga. In fairness naman, maganda ang playlist n’ya. Medyo nakakairita lang na sumasabay s’ya ng kanta. In fairness again, nasa tono naman s’ya. Hindi pang-concert yung boses n’ya pero hindi naman masama. Feeling ko magkakasundo kami sa videoke.

Speaking of videoke, may team-building activity kami sa Friday, so walang trabaho. Yehey! Pupunta kami somewhere I won’t tell at magpapakasarap. Overnight ito at may socials sa gabi, may kainan, may kantahan at, malamang, may alak. At ‘pag may alak, may… Hihi.

Magagawa ko na kaya sa wakas ang aking balak sa (mga) crush ko sa office? Hahaha! Ang bastos mo! Wala akong balak gawin na masama! Mabuti yung balak ko. Sa sobrang buti n’ya, baka humingi pa ng second o third round yung crush ko. Hahaha! Ano ba! Hindi ako kinikilig! Never akong kinilig! Wala akong feelings! Tinapon ko na lahat sa inodoro at f-in-lush! Hahaha!

I’m not excited.

Advertisements