Unli rice is coming

by Sankage Steno

Balita ko ang haba-haba pa rin ng pila sa MRT. Umabot na raw sa Trinoma yung pila ng mga pasahero sa North Avenue Station. Aba matinde! Hanga rin ako sa mga utaw na nagtitiis sa pila. Mas gugustuhin nilang tumayo roon kesa magtiis sa traffic sa loob ng airconditioned na bus. Malaki pa ang chance na nakaupo sila.

Oh well, whatever floats your boat.

Naalala ko tuloy yung mga paninira ng mga ka-DDS natin kay P-Noy at kay Mar Roxas last year. Isa sa ginamit ng mga kampon ni Duterte ay ang isyu ng MRT para palabasing walang magandang nagawa ang nagdaang administrasyon. Kinagat naman ng 16 milyong bobong Pinoy.

Anyare ngayon?

Mas lumala pa nga yata ang pila sa MRT ngayon. Kagabi nga, mag-aalas-nuwebe na, sobrang haba pa rin ng pila sa Ayala Station. Sa sobrang haba, lumampas na sa Mang Inasal yung linya. At hindi lang basta lampas, ha? Nagpaikut-ikot pa yung pila na parang mahabang Snake sa Nokia 3310 (kung magaling kang maglaro tulad ko).

Tapos habang nakapila ka sa mainit, masikip at madilim na MRT station, mababasa mo pa sa cellphone mo yung balitang balak tanggalin ni Cynthia Villar yung unli rice promo sa mga restaurant. Anak ng Mang Inasal! Kanin pa talaga ang pinuntirya n’ya? E halimaw kaya sa kanin ang mga Pilipino.

Very wrong.

Mahalaga ang kanin lalo na’t araw-araw kang nakikipagbuno sa EDSA o sa pila sa MRT. Imagine kung puro salad ka lang at wala ka masyadong carbohydrates sa katawan. Pa’no ka lalaban sa libu-libong pasaherong nag-aagawan para lang makasakay ng tren o bus? Pa’no ka tatagal sa biyahe kung walang lamang kanin yung tiyan mo? Masisiraan ka sigurado ng bait o hihimatayin o mangangain ng ibang pasahero.

Kung ako kay Villar, ang ipapasa kong batas e free unli rice o unli rice upgrade sa mga restaurant kapag naipit ka sa napakahabang pila ng MRT. Better, gagawin kong unli rice na dapat ang serving sa lahat ng restaurant na malapit sa MRT station. Para may laban ka sa buhay. Hahaha! For sure susuportahan ako rito kahit ng mga ka-DDS natin.

Buti na lang at binawi na n’ya yung sinabi. Tanga lang, parang yung ka-DDS natin.

Ang galing ko, naikonekta ko yung unli rice sa MRT. Hahaha! Kung di lang ako busy gagawan ko pa ng analysis ‘yan gamit ang boses ni Kris. Next time na lang, ‘pag nasira ulit yung MRT. In the meantime, tingnan mo na lang yung picture sa baba. Pila ‘yan sa NFA rice noong panahon ni GMA. Charot!

Advertisements