Pangulong Leonor Robredo

by Sankage Steno

Pwedeng mamatay si Pangulong Duterte anumang oras at malalaman lang natin sa Agosto o sa isang taon pa. Ganito kasi ang nangyari kay Hugo Chavez, dating pangulo ng Venezuela. Namatay si Chavez noong 30 December 2012 pero ipinaalam lang sa mga tao noong 5 March 2013.

Bakit naman itatago ng mga kakampi ni Duterte yung tungkol sa kamatayan niya kung saka-sakali? Ang naiisip kong dahilan ay para magkaroon ng sapat na oras si Bongbong Marcos na manakaw ang VP position kay Leni Robredo. Heto nga’t panay ang pangungulit niya sa Korte Suprema na simulan na ang recount.

Alam mo na, kapag kasi namatay ang pangulo, ang pangalawang pangulo ang automatic na hahalili.

Ang tanong, mamamatay na nga ba si Duterte? Well, lahat naman tayo ay mamamatay, so my answer is Yes. It’s just a matter of time. Di ba 72 years old na s’ya? Iyon din ang edad ni dating pangulong Ferdinand Marcos nang mamatay s’ya sa lupus noong 1989. Kaya hindi talaga malayong mamatay na rin ang ating pangulo lalo pa’t nawawala s’ya sa mata ng publiko ng ilang araw.

Habang may martial law sa Mindanao, habang nagkakamatayan yung mga Pilipino sa Marawi City, missing in action ang pangulo. Kung si P-Noy ang gumawa n’yan, puputaktihin na s’ya ng puna at kung anu-anong masasakit na salita. Pero ibahin n’yo si Duterte. Infallible s’ya sa mata ng mga gunggong niyang tagasuporta.

Oh the times we live in!

Anyway, yung pagkawala niya sa mata ng publiko, ganitung-ganito rin yung nangyari noon kay Marcos. Nagpapalabas s’ya ng mga larawan na gumagawa ng kung anu-anong activities para palabasing malusog s’ya. Pero ang totoo, malala na yung sakit n’ya at malapit na s’yang mamatay. Di ba idol na idol ni Duterte si Marcos? Ayun, pareho sila ng style kahit sa pagtatago ng sakit.

Ano nga ba ang karamdaman ng ating kasalukuyang pangulo? Your guess is as good as mine. Pwedeng cancer, pwedeng lupus, pwedeng yung mga sakit na kaakibat ng pagtanda at matinding stress. Kahit ilang beses pa n’yang sabihing hindi naman malala yung sakit n’ya, iisipin pa rin ng mga natitirang nag-iisip sa Pilipinas na may itinatago s’yang malalang karamdaman na pwede n’yang ikamatay.

Kapag nga namatay si Duterte sooner than later, si Robredo ang papalit sa kanya bilang ika-17 pangulo ng Pilipinas. Hindi si Bongbong, hindi si Cayetano, hindi si Bato, hindi si Alvarez o kahit na sino pang malapit sa pangulo. Si Leni. S’ya ang susunod na pangulo.

And I don’t have any problem with that at all.

Advertisements