Middle Ground

by Sankage Steno

Hindi ko maintindihan kung bakit kailangang humingi ng tulong ang pwersa ng ating gobyerno sa mga miyembro ng New People’s Army. Kulang ba tayo sa sundalo kaya kailangang humingi ng dagdag na lakas mula sa mga “kalaban” ng pamahalaan? Mas marami bang alam ang mga rebelde kung pa’no labanan ang mga terorista kaysa sa AFP na ang laki-laki ng budget?

Ang labo e.

Pero kung ang layunin talaga ng pamahalaan ay gamitin ang pwersa ng NPA para “mabawasan” sila at mapahina, well, mukhang matalinong move ‘yon. Ang problema, kung gano’n nga ang balak ng gobyerno, pa’no na ang peace agreement natin sa mga rebeldeng komunista? At gaano tayo kasigurong hindi babarilin ng mga rebelde ang mga sundalo natin kapag nakipagtulungan ito sa kanila?

Saka pa’no? Magshe-share din tayo ng intel sa mga rebelde? Sa tingin ba ni Duterte ay papayag ang mga sundalo na makipagtulungan sa mga dati nilang kaaway? Kung ako kasi yung sundalo, sobrang maiinsulto ako kasi parang walang tiwala ang pangulo sa kakayahan namin. Saka ang hirap namang lumaban sa mga terorista tapos ang “kakampi” ko e yung bumaril sa mga kasamahan kong sundalo noon.

Naguguluhan talaga ako sa setup na ‘to.

Medyo gets ko pa yung pakikipagtulungan ng gobyerno sa MILF o MNLF para masugpo yung Maute Group. Mga Moro kasi sila, mga taga-Mindanao pare-pareho kaya understood na mas kilala nila ang kalaban o mas “mapapakiusapan” nilang sumuko o tumigil na sa ginagawang panggugulo sa Marawi City.

Pero, yun nga, “kalaban” pa rin ang turing ng MILF at MNLF sa mga sundalo natin. Baka mamaya, umiral na naman yung pintakasi o yung “bayanihan” ng mga Moro at magtulung-tulong sila para i-ambush yung pwersa ng gobyerno. Kawawa naman yung mga sundalo natin. Ginagawang tau-tauhan, mga pawn. “Ayos” lang mamatay.

Ang pangit, di ba?

Kung ako ang commander-in-chief, papasalamatan ko yung offer ng tulong, pero I will politely decline. Ipapaubaya ko pa rin sa mga sundalo at/o pulis natin yung pagsugpo sa mga terorista at sa pagpapanumbalik ng kaayusan sa Marawi. Makikipagtulungan lang ako sa mga rebeldeng grupo kung may intel ako na nagsasabing kakampi sila sa mga terorista kung hindi tatanggapin ng gobyerno ang alok nila.

Sabi nga kasi ni Dr. Jose Rizal, “Virtue lies in the middle ground.”

Advertisements