Gigil na gigil

by Sankage Steno

Ang saya-saya po ng maraming libreng oras para sa sarili. Buti na lang at wala pang same-sex marriage sa bansa at kinasusuklaman pa rin ang mga bakla sa mundo. Wait, parang mali. Let me rephrase that. Buti na lang at bakla ako. Kung straight kasi ako, baka 21 years old pa lang, nakabuntis na ako at nag-aalaga ng anak. Baka rin hiwalay na ako sa asawa dahil ang dami pong nanggigigil sa akin.

O, Tukso, layuan mo ako… Not!

Imagine, kung may asawa’t anak na ‘ko noon pa, o kahit ngayon, syempre lahat ng oras ko para sa sarili, mapupunta sa pamilya ko at sa trabaho. Kapag wala akong oras para sa sarili, hindi gagana yung creative juices ko. Hindi ako makakapag-blog araw-araw, hindi ako makakapagsulat ng novel at hindi ako magiging sikat na social media influencer. Sikat talaga? Hahaha!

Pero dahil bakla ako, walang asawa, walang anak, single at ready to mingle kahit office hours, ang dami kong time para makipaglaro sa iba. Hindi po bahay-bahayan ang laro ko. I hate it. Boring. Apoy po ang nilalaro ko. Hihi. Mas exciting, mas kapana-panabik at mas masarap. Lagi nga akong pinagpapawisan nang matindi e.

Soropp!!

^Ang jejemon lang ng pagkakasulat. Sorry naman. Ganito talaga ako kapag masaya, pangit magsulat. Di tulad ‘pag galit ako o medyo malungkot, mas malalim, mas mahugot o mas nakakatawa yung mga pinagsasasabi ko. ‘Pag ganitong active ako, as in… never mind, di masyado. Mediocre lang yung nagagawa kong sulat. Baka nga substandard pa. Pero wapakels na ‘ko basta active ako, as in… Hihi.

Sa sobrang active ko, ayaw na namang tumigil sa pag-vibrate ng phone ko umaga, tanghali, hapon, gabi at madaling-araw. O ha! Ang tinde non. Sobrang “busy” ko po sa pagpapaligaya ng ibang tao. Hihi. Nakakapagod nga lang. Pero sulit naman ang pagod.

Speaking of pagod, humihingi ako ng paumanhin sa lahat ng ka-chat ko kagabi. I’m sorry. Sabi ko iidlip lang ako at gigising ng 11pm. Pero nung natulog ako ng 7pm, nagtuluy-tuloy na at nagising ako ng 5am. Ang dami tuloy nabitin kagabi. Sorry na po talaga. Babawi ako tonight, pramis. Kaya ihanda n’yo na ‘yang mga puw… I mean, pwesto n’yo sa kama dahil I will make your bed rock.

Advertisements