Ang sakit ni Duterte

by Sankage Steno

Ang good news, may ideya na ‘ko kung ano ang totoong karamdaman ni Pangulong Duterte. Ang bad news, hindi s’ya nakakamatay. Okay ang sama ko na po, pero that’s understandable kasi yung mga lumalabas sa bunganga ng pangulo natin at yung mga pinaggagagawa n’ya ay puro kabuktutan. Medyo nakakahawa po s’ya.

Speaking of nakakahawa, yung sakit ni Duterte ay hindi naipapasa sa hangin o sa bodily secretions pero pwede mo s’yang makuha kung magkakaroon ka ng kapangyarihan. Yes, tama po. Kapangyarihan.

Nabasa ko kasi yung isang article sa The Atlantic na may pamagat na Power Causes Brain Damage. Dito ko nalamang ang ating presidente ay may sira nga sa utak kaya ganyan s’ya magsalita at umasta. May sira si Duterte sa kanyang neural process na tinatawag na “mirroring.” At dahil dito, hirap siyang makiramay sa iba.

[P]ower, in fact, impairs a specific neural process, “mirroring,” that may be a cornerstone of empathy. Which gives a neurological basis to what Keltner has termed the “power paradox”: Once we have power, we lose some of the capacities we needed to gain it in the first place.

Ang tawag sa pagkamanhid sa parte ng utak ng tao na responsable sa pakikiramay natin sa dinadamdam, iniisip at/o pinagdaraanan ng ibang tao ay Hubris Syndrome, which is defined as “a disorder of the possession of power, particularly power which has been associated with overwhelming success, held for a period of years and with minimal constraint on the leader.”

Ilang taong naging mayor si Duterte ng Davao City? Dalawang dekada. Tapos ngayon, siya na ang pinakamataas na opisyal sa gobyerno ng Pilipinas. Akmang-akma sa kanya ang pakahulugan ng sakit na ‘yan. Ang tanong ngayon, may gamot ba d’yan? Ang sagot: Wala. Kahit daw aware ka sa sakit na ‘yan, mahirap pa ring pigilan ang pagiging “walang puso” at “walang pakundangan.”

Pero pwede s’yang makontrol. Ang kailangan ni Duterte ay isang toe holder o yung tao o bagay na maglalagay sa kanya sa dapat n’yang kalagyan o yung magpapaalala sa kanya na hindi s’ya infallible, hindi s’ya perfect at hindi s’ya imortal. Ang toe holder ang magpapanatili sa kanya sa lupa para hindi lumipad nang pagkataas-taas at masunog sa araw tulad nang nangyari kay Icarus.

Sino ngayon ang toe holder ni Duterte? Unfortunately, wala. Hindi ang asawa niya, hindi ang mga anak niya, hindi ang mga kaalyado niya sa pamahalaan. Pwede sana ang media pero kaaway ang turing niya rito, lalo na kapag tinatama siya o pinapaalalahanan nito. Malayo rin namang makuha sa “dasal lang, dasal lang talaga” ang taong ito dahil tingin niya sa sarili ay diyos.

Ang naiisip ko lang na lunas sa hubris syndrome ni Duterte ay walang iba kundi kamatayan.

Advertisements