Tikim

by Sankage Steno

Balik 32 inches na naman yung bewang ko. Nasa 31 na lang ‘to last week, e kaso nagka-long weekend. Badtrip. Ayun, panay kain na naman kasi ang ginawa ko sa bahay. Kain, tulog saka… alam mo na. Hihi. Sarap-sarap ng buhay ko.

Kaya natutuwa ako dahil may pasok na bukas. Makakaluwas na ulit ako at makakapagpa-sexy no jutsu. Kapag kasi nandito ako sa probinsya, wala, unli rice sa umaga, tanghali at gabi. Ang hirap pong tumanggi sa grasya. Nag-eehersisyo naman ako, pero lamang pa rin yung dami ng carbs na pinapasok ko sa katawan kesa dun sa nagagamit ko. Buti na lang talaga at balik-trabaho na bukas.

Pero ang pinakaikinatutuwa ko talaga sa pagtatapos ng long weekend ay yung mga adventures ko sa Maynila kapag gabi. Hihi. Ang tumal kasi dito sa probinsya, ang lalayo pa ng mga utawchi. Saka karamihan sa mga nakakausap ko sa app, puro duwag, este, discreet. Sobrang pahirapan sa pakikipag-meet. Kapag nag-meet naman, panay ang tago ng mukha. Takot na me makakilala sa kanila. What gives?

Yun namang mga matatapang, hindi ko bet masyado. Masyadong clingy at gigil. Naiintindihan ko naman yung nararamdaman nila. Dumaan din ako sa stage na ‘yon. Yun nga lang, kung pare-pareho silang ganun ang ugali, nakaka-turn off din. Idagdag mo pa na wala akong nami-meet na maliit ang tiyan. Karamihan sagana sa kanin at beer.

Sorry, ha? Judgmental talaga akong tao. Hindi kasi ako mahilig sa mataba, pero di naman ibig sabihin no’n e hindi ko na sila ie-entertain. Ang tingin ko kasi sa matataba, kundi laging nag-i-stress eating, tamad gumalaw. Kaya, ayun, lumalaki ang tiyan. ‘Wag mo na ‘kong paandaran ng obesity genes chenes na ‘yan. I know that. And I don’t buy it. Kadalasan, kapag malaki ang tiyan, tamad ding gumalaw o walang disiplina sa kinakain.

Saka, alam mo, dumaan din ako sa pagiging mataba kaya alam kong pwedeng pumayat kung gugustuhin. E syempre di ko naman pwedeng asahan sa ibang tao kung ano yung na-accomplish ko sa buhay. Hindi naman lahat katulad kong mag-isip. And I get that. Anyway, sabi ko nga, ie-entertain ko pa rin naman sila. Hindi lang naman ako sa physical traits tumitingin. Galingan na lang nila sa ibang bagay.

Nagkakawang-gawa naman ako minsan kapag talagang gutom ako… or uhaw. Depends on which term you prefer. Basta nice ka lang at may ibubuga sa… alam mo na. Karamihan kasi ng nakaka-alam-mo-na ko, kulang sa experience. O hindi talaga magaling, period, no erase.

Ayan, nagpapaka-judgmental na naman ako. Sorry na. Titigil na ‘ko sa pagsusulat at baka kung ano pang masabi ko. Basta tulad ng nakagawian, kung gusto mo ‘kong tikman, just let me know. Gawin natin ‘tong nasa picture sa baba. Hihi.

 

Advertisements