Patay na si Duterte

by Sankage Steno

Nakikiramay po ako sa pamilya at sa mga naulila ni Pangulong Rodrigo Duterte. Hindi ko po inakalang hindi siya aabot ng isang taon sa panunungkulan. Ang hula ko po ay sa Agosto o Setyembre pa siya papanaw. Nagkamali ako.

Lubos ko pong ikinalulungkot ang pagkamatay ng ating kasalukuyang pangulo. Kahit po marami kaming pagkakaiba sa paniniwala at prinsipyo, hindi ko pa rin maiaalis ang pagkabigla at pighati sa balitang ito. Bilang kapwa tao, ako ay nananangis sa pagkawala ng isang buhay, gaano man ito kasama.

Inasahan ko mang mangyayari ito, dahil na rin sa madalas na pagliban ni Duterte sa kanyang trabaho, iba pa rin ang bigat na dulot ng kanyang pagkawala, lalo pa’t marami ang mga umiidolo sa kanya. Kabilang na rito ang mga kinulang sa sentido kumon at ang mga madudunong pero naulol dahil sa pagkahumaling sa kanilang tagapagligtas.

Balak ko pa naman sanang i-repost ang sinulat ko noong 1 July 2016 sa Inquirer (My god, I hate Duterte) bilang paggunita sa isang taong pasakit hindi lang sa mga netizen kundi maging sa mga mahihirap na Pilipinong biktima ng war against illegal drugs at sa mga biktima ng lumalalang traffic sa Kalakhang Maynila. Mukhang ipagpapaliban ko muna ang balak na ito bilang paggalang sa yumaong pangulo.

Dalangin ko na sana ay sumunod na ring mamatay sina Mocha Uson, RJ Nieto, Sass SasotErwin Tulfo at ang lahat ng mga bulag na tagasunod ng pangulo. Hindi ko ito hinihiling dahil sa poot ko sa kanila. Ito ay sinasamo ko dahil alam kong mas magiging maligaya sila kapag nakasama nila ang Mahal na Poong Nazeraan. Hindi ko po ipagkakait sa kanila ang kaligayahan kahit pa marami silang nabiktimang Pilipino.

Nawa ay maging daan ang kamatayan ni Duterte upang tuluyan nang magkaisa ang mga Pilipino at upang matigil na ang pagkalat ng propaganda, mga fake news at kung anu-ano pang kasinungalingan. Matigil na rin sana ang pagbabalik sa kapangyarihan ng puppet master ng pangulo—ang mga Marcos at ang iba pang makapangyarihang pamilya sa Pilipinas. Sumunod na rin nawa sila sa hukay.

Muli, lubos akong nakikiramay.

Direk: And cut! Good take.

Sankage: Thank you, Direk!

Advertisements