Sex Note

by Sankage Steno

Nag-iisip akong magsulat ng manga o komiks, kaso wala akong mahanap na magaling na artist. Kung meron man, madalas busy o hindi tugma yung schedule niya sa sarili kong sked. Hirap tuloy makipag-collaborate.

Simple lang naman yung kwento ko. May isang Sex God (or Goddess) na bored, so ang ginawa n’ya, itinapon n’ya yung kanyang Sex Note sa lupa. May isang yuppie na makakapulot ng notebook. Tapos may power pala ‘yon. Kapag sinulat n’ya yung pangalan ng kahit na sino sa notebook, makaka-sex n’ya on that day or night mismo.

Sorop.

Pero pwede rin n’yang gawing detalyado yung gagawin ng taong nakasulat do’n. Pwedeng BJ lang sila o BDSM o 69 o dog style. Basta imagination mo lang ang limit. Pero ang twist, dapat makita mo muna yung mukha ng taong gusto mong maka-sex. Kapag pangalan lang nilagay mo at di mo naman alam ang mukha, lahat ng taong may ganung pangalan sa mundo e susugurin ka at titirahin ka sa puwet.

Ayos ba? You think it’s gonna sell?

Sobrang pinag-isipan ko talaga ‘yang Sex Note. Wala akong pinaggayahan, pramis. Alam mo kasi, meron akong journal na sinusulatan every night. E minsan nilalagay ko du’n lahat ng crush ko. Lahat ng taong gusto kong makaanuhan. Kahit minsan di pa s’ya nagkatotoo. Ending, du’n ako nakikipag-ano sa mga di ko kakilala talaga.

So, naisip ko, what if magkaroon ng power yung journal ko. Lahat ng pangalang isulat ko roon, makaka-sex ko agad-agad. Ayun, kaya ko naisip ‘yang Sex Note. Galing ko ‘no? Napaghahalatang adik ako sa ano… sa pagsusulat! Love ko talaga ang pagsusulat kaya na-inspire akong gawin ‘yang story na ‘yan.

Open din naman ako sa suggestions para mapaganda pa lalo yung Sex Note. Pwede mong sabihin kung gusto mong mailagay sa sex note ko, tapos try natin kung magkakatotoo nga. Kailangan ko muna kasing mag-research para mas may alam ako kapag sinulat ko na s’ya. If you want to try it, feel free to write your name in the comment section. Tapos iwan mo na rin yung contact details mo at face pic. Game!

Advertisements