Tayong may matataas na IQ ay tunay na pinagpala

by Sankage Steno

May kinalaman ang taas ng IQ sa haba ng buhay ng isang tao. Marami nang studies ang nagpapatunay ng koneksyon ng katalinuhan sa mas mahabang buhay, kaya naman natutuwa ako dahil may chance akong mabuhay nang matagal sa mundong ito. Sa 2040 ko pa kasi balak tumakbo sa pagkapangulo. Matagal-tagal pa.

Yung study na nabasa ko e nagpapakita ng association (not causation) sa pagitan ng high IQ noong bata ka at longevity. Take note, high IQ noong kabataan mo, hindi ngayon. Pero di naman sinabi ng mga researchers na kapag mababa ang IQ mo ay maikli lang ang itatagal mo sa mundo. Ang sabi lang, karamihan sa may mataas na IQ noong maliit pa sila ay madalas nabubuhay nang matagal.

Anyway, sure akong mataas ang IQ ko noong aking kabataan. Naalala ko kasi noong first year high school ako na dalawa kami sa batch namin ang nakakuha ng genius level na IQ: yung valedictorian saka ako. Hihi. Wala nga yata ako sa Top 10 noon e. Pero nao-honor naman ako paminsan-minsan. Hindi lang ako honor noong second at fourth year high school. Lol.

Ang nakikitang dahilan ng mga researcher ay genetic. ‘Pag genes talaga ang labanan, swertihan lang. Baka in the future pwede na tayong mamili ng genes sa katawan. Who knows? Ang isa pang paliwanag, sabi nila, ay dahil yung mga may matataas na IQ raw e umiiwas sa mga bagay na alam nilang makakasama sa kanila.

Take note again, natural causes ang pinag-uusapan nating sanhi ng kamatayan dito. Mga sakit tulad ng cancer, sakit sa puso, sa bituka, sa baga, atbp. Hindi kasama ang aksidente, sakuna, murder, etc. Therefore, kahit mataas ang IQ mo, kung YOLO ka naman palagi o malas-malas ka, pwede pa ring mapadali ang buhay mo.

Sana ay hindi bumagsak yung mga sasakyan kong eroplano in the future, sana hindi ako ipapatay ng mga haters at bashers ko, sana ay hindi ako maaksidente. Ayoko pang mamatay. Magiging pangulo pa ako ng Pilipinas. ‘Wag ka ring mamamatay muna dahil kailangan ko ang boto mo. Haha!

I wonder kung hanggang kailan mabubuhay sina Mocha Uson, Sass Sasot, Loraine Badoy, Erwin Tulfo at RJ Nieto? Feeling ko hanggang 2022 na lang silang lahat. Charot!

Advertisements