Mga Teroristang Kristiyano

by Sankage Steno

Huy! Kayong mga katoliko at kristiyano, baka nakakalimutan n’yo na kayo ang mga terorista noong panahon ng Crusades. Ipapaalala ko lang sa inyo yung mga ginawa ng ninuno n’yo sa loob ng halos 200 taon (Year 1095 to 1270) sa mga muslim at mga pagano para malaman ninyo kung gaano kayo kasama.

Nagsimula ang teroristang grupo ng mga katoliko at kristiyano dahil sa panawagan ni Pope Urban II na paalisin ang mga muslim sa Holy Land. Ang unang krusada ay naganap noong 1095 hanggang 1099. Sinakop ng mga pwersa ng mga kristiyano at katoliko ang Antioch at sumunod ang Jerusalem. Libu-libong muslim at hudyo ang pinatay ng mga ninuno ninyo, kabilang na dito ang mga babae at mga bata.

Speaking of mga bata, meron din pong Children’s Crusade na tinatawag. Noong 1212, pinangunahan ng isang lalaking nagngangalang Nicholas ang grupo ng mga bata, binata, babae, matatanda at mahihirap mula Rhineland hanggang Italy. Nakatanggap daw kasi ng banal na utos si Nicholas galing sa diyos para pumatay ng mga di kristiyano at bawiin ang kanilang teritoryo.

Ang pangalawang krusada ay naganap noong 1147 hanggang 1149. Nang masakop ng mga teroristang kristiyano at katoliko ang Jerusalem, Edessa, Antioch at Tripoli, nagsiuwian ang karamihan sa kani-kanilang bayan. Yung mga natira e binantayan yung mga nasasakupang lugar. E gumanti ang mga muslim na naglunsad din ng holy war, o jihad, kaya nabawi nila yung Edessa.

Dahil dito, naglunsad ng panibagong krusada sina King Louis VII ng France at King Conrad III ng Germany. Sa kasamaang (o kabutihang) palad, nang salakayin nila ang mga muslim sa Damascus, Syria, natalo sila ng pinagsamang pwersa ng mga Muslim sa Damascus at Mosul. Natalo ang mga teroristang kristiyano.

Ang pangatlong krusada naman ay naganap noong 1189 hanggang 1192. Nang mabawi ni Saladin ang Jerusalem, naglunsad ng panibagong pakikidigma sina Emperor Frederick Barbarossa, King Philip II ng France at King Richard I ng England. Natalo ng pwersa ni Richard ang pwersa ni Saladin sa Battle of Arsuf, pero hindi niya binawi o sinakop ang Jerusalem. Sa halip, nakipag-ayos s’ya kay Saladin through a peace agreement.

Yung pang-apat hanggang pang-anim na mga krusada e labo-labo na yung mga kalaban, hindi na puro muslim. Sa pangunguna ni Pope Clement III, kinalaban ng mga teroristang kristiyano yung lahat ng kinokonsiderang enemies of the christian faith, kahit pa yung mga kristiyanong nasa ibang sekta.

Yung mga huling krusada e nabalik sa pagbawi ng Jerusalem. Masasakop saglit, pero mababawi ulit ng mga muslim. Paulit-ulit na lang sila sa patayan at paghahasik ng lagim. Ang ending, nabawi ng mga muslim yung karamihan sa mga sinakop ng mga teroristang kristiyano at katoliko. Nahinto lang nang tuluyan ang mga digmaan nang humina ang impluwensya ng santo papa.

Buti naman.

FYI, ilan sa mga nasawi noong terrorism days ng mga kristiyano at katoliko ay ginawang santo ng santo papa. Isa na rito si Louis IX na namatay sa North Africa. O di ba? Kahit mamamatay-tao ka, pwede ka pa ring maging banal. Ang husay lang.

Kaya bago ninyo pag-isipang bigyan ng ID ang mga muslim, baka kailangang mauna kayo dahil wala naman kayong pinagkaiba sa mga teroristang naghahasik ng lagim sa iba’t ibang panig ng mundo sa ngalan ng relihiyon. Hiyang-hiya naman ako sa sinasamba ninyong diyos. Puro kayo kabuktutan at kamatayan. Magsama-sama kayo sa impyerno!

Advertisements