So what? ‘Live in’ lang naman

by Sankage Steno

Kung maka-react ka naman sa sinabi ni Nadine Lustre, kala mong kay busilak at kay dalisay mo. Di mo ikinaganda ‘yan, mumshie. Kung ako man ang jowa ni James Reid, wapakels na sa inyo kung nagli-live in man kami o hindi. It’s 2017! Change has come, mga ulul!

Alam mo, walang masama sa pagli-live in maliban na lang sa mga konserbatibong napakasama ng pagtingin sa sex. Ano bang akala mo sa pakikipagtalik? Gawa ni Satanas? Baka nakakalimutan mong hindi ka mabubuhay sa mundong ito kung hindi nagkantutan ang mga magulang mo. So masama ka dahil produkto ka ng sex?

A, ok, so premarital sex, kamo? Again, walang masama sa taong piniling makipag-sex sa ibang tao, kasal man sila o hindi. Choice nila ‘yon. Hindi naman sapilitan. Hindi naman rape. Dapat wapakels ka na do’n, mumshie. Ngayon, kung sa personal belief mo o sa iyong relihiyon e “bawal” ang premarital sex at ang pakikipag-live in, problema mo na ‘yon. Paniniwala mo ‘yan.

‘Wag mong ipagpilitan ang choice mo sa choice ng ibang tao.

Sino bang napahamak sa pagli-live in nina Nadine at James (kung totoo nga)? Sino bang binastos nila sa ginawa o ginagawa nilang iyon? Na-violate ka? Nainsulto ka dahil hindi sila sang-ayon sa paniniwala mo? Beshie, ikaw ang may problema, hindi sila. Ikaw ang walang sex life, hindi sila. Sinong mukhang insecure at inggit ngayon?

Clue: It’s neither Nadine nor James.

Alam mo, mumshie, maraming benepisyo ang pagli-live in sa dalawang taong nagmamahalan o nasa isang relasyon. Una, mas makikilala nila ang isa’t isa kapag magkasama na sila sa iisang bubong. Hindi yung kung kelan kasal ka na e saka mo lang malalamang batugan pala ‘yang pinakasalan mo o abusado at nambubugbog ng asawa. Worse, hindi magaling sa kama.

Ay, day, sinasabi ko sa ‘yo. Malaking factor ang magaling manromansa. Kung di mo maibibigay ang sexual needs ng partner mo, for sure, maghahanap ‘yan ng iba kahit ikaw pa ang mahal niya. Magandang practice po ang pagli-live in para malaman mo ‘yang bagay na ‘yan.

Pangalawa, economic reasons. May kahati ka sa rent, sa utilities, sa internet bill at sa kung anu-ano pa. Malaki ang matitipid mo kung dalawa kayong naghahati sa mga gastusin. May kahati ka na sa mga bayarin, may kahati ka pa sa kama. Ang sarap, di ba?

Panghuli, bukod sa lalo mong makikilala ang iyong partner at makakatipid ka, ang pagli-live in ay makakabawas sa pagka-miss mo sa iyong jowa, sa pagka-clingy mo, sa pagseselos mo at sa lahat ng kabaliwan mo kapag umiibig. Syempre, andyan na palagi yung mahal mo, ano pang hihilingin mo, di ba? Kasal na lang siguro o anak o kung ano pa mang magpapatatag ng pag-iibigan ninyong dalawa…

O tatlo. (Ibang topic na ‘to. Next time.)

So kung hindi ka pa rin sang-ayon sa living in, fine, that’s your choice. Pero ‘wag mong ipagpilitan ‘yang choice at belief mo sa ibang tao. Mind your own business, ika nga. Makialam ka lang kung sa inyo sila nakapisan at ikaw ang nagbabayad ng bills nila. So long as you’re not paying their bills, epal ka. Shut up ka na lang. Understood?

Advertisements