Deputagablo

by Sankage Steno

Kita mo nga naman ang kaputanginahan nitong si Duterte. Paumanhin sa mga puta at mga ina, expression lang po. Hindi po kayo masahol. Ang masahol ay itong pangulo ninyong ibinalik sa trabaho si Supt. Marvin Marcos at 18 iba pang pulis kahit may administrative case sila.

Sa mga malilimutin, si Marcos ang pulis na namuno sa pagpatay kay Albuerta, Leyte Mayor Rolando Espinosa Sr. sa loob ng kulungan. Imagine, nakakulong na’t lahat, pinatay pa rin. Walang kalaban-laban. Tapos pinalabas pang nanlaban, samantalang di naman armado yung bilanggo at ang daming pulis ang kaharap niya.

Anyway, balik tayo sa kaputanginahan nitong si Duterte at ng kanyang unggoy na police chief, si Bato Dela Rosa. Muli, paumanhin sa mga unggoy, expression lang. Hindi po kayo masahol. Ang masahol ay si Dela Rosa at ang kanyang among mahilig pumatay ng tao at ginagantimpalaan ang mga tulad niyang mamamatay-tao.

Alam mo ang sinabi ng unggoy na ‘yan pagkatapos ibalik sa pwesto sina Marcos? “Sayang. Walang ginagawa, sumusuweldo.” ‘Yan mismo ang lumabas sa bunganga ni Dela Rosa para depensahan ang ginawa niya. Pero bukod pa riyan, inutos din kasi ni Duterte na i-reinstate nga itong si Marcos. Tanginanginangina lang, di ba?

Tinutupad lang naman niya ang pangako sa mga pulis na poprotektahan niya sila kahit pa may gawin silang masama o palpak. Basta ang mahalaga, pumatay sila ng mga walang laban, ng mga mahihina at ng mga inosenteng walang kinalaman sa droga. After all, collateral damage lang naman daw sila.

Putangina lang, di ba?

At ano naman ang masasabi ng mga kaalyado ni Duterte tungkol dito? Malamang wala. Malamang gagamitin na naman nila ang kanilang creative imagination para mapalusot ang kahihiyang ito. Kahihiyan is an understatement, by the way. Lagpas na tayo sa kahihiyan kasi walanghiya naman ang pangulo ninyo at yung mga kampon niya. Iisip ako ng salita para sa kanila… mga deputagablo silang lahat.

Ano ang deputagablo?

Ito ay portmanteau ng mga salitang ‘demonyo’, ‘puta’, ‘tarantado’, ‘gago’ at ‘diablo’. Iyan po ang naiisip kong paglalarawan para sa pangulo ninyong walang budhi, adik, mangangatay, traydor at bastos.

Ngayon ko lalong napatunayang nagwawagi ang kasamaan kapag walang ginagawa ang mga mabubuting tao, o kapag yung mga dating mabubuting tao ay nagtatanga-tangahan o manhid na. Bukod dito, naniniwala na rin ako sa kasabihang ang masamang damo ay matagal mamatay. Ang tagal, sobra.

Advertisements