Bakit hindi mabuting pumatay ng kriminal?

by Sankage Steno

Ang weird, ‘no? Kailangan ko pang ipaliwanag sa panahon ngayon kung bakit mali ang kagustuhan ni Duterteng patayin ang lahat ng mga kriminal. Actually, hindi mali, maling-mali.

Noong Miyerkules kasi, sinabi ng pangulo sa personnel ng Bureau of Jail Management and Penology na dapat patayin ng mga pulis ang mga suspek na nanlaban. At ‘pag hindi raw lumaban, palabanin saka patayin.

Ang sabi naman ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales patungkol dito, it is “not acceptable.” Malaking bagay ‘to kasi not too long ago, ang sabi n’ya, “It’s not illegal to say ‘I will kill you’.”

Good job, Ombudsman.

Anyway, going back, ba’t nga ba maling-mali si Duterte sa “polisiya” niyang patayin ang mga kriminal dahil kriminal naman sila? Ang unang sagot diyan ay dahil masamang pumatay. Religion-wise, alam naman nating utos ‘yan ng diyos ninyo. Kung nalalabuan ka sa utos na ‘yan, paki-calibrate po ang iyong konsensya.

Pangalawa, kung di ka naman religious, mali ang pumatay ng kriminal dahil ilegal s’ya.

Krimen po ang pagpatay ng tao. Kapag pumatay ka ng kriminal (na tao pa rin kahit gaano pa siya kasama), ibig sabihin, gumawa ka ng krimen. Kapag gumawa ka ng isang krimen, ibig sabihin, isa ka na ring kriminal. At kung kriminal ka, ibig sabihin, pwede ka na ring patayin.

Magiging cycle ng patayan ang mangyayari kung paiiralin natin ang utos na ‘yan ni Katay Digong.

“Pero joke lang naman ‘yon. It’s just a hyperbole,” sabi ng creative imagination mo.

Ang problema d’yan, kahit sabihin pang joke, e sineseryoso ng maraming tao, lalo na ng mga pulis at vigilante groups. Just like in real life, hindi lahat ng taong bibiruin mo e makaka-gets ng joke mo. So kung nagbibiro man si Duterte sa sinabi n’ya, aba’y ang dami namang di naka-gets. Ang dami namang sumeryoso.

Therefore, napakasama ng biro niya. Daig pa ang jaywalking. Nakamamatay.

Napakasimple lang naman, di ba? Uulitin ko. Una, huwag kang papatay kasi kasalanan s’ya. Pangalawa, kapag pumatay ka ng kriminal, magiging kriminal ka rin, which makes you an open target for law enforcers. Ngayon kung nahihirapan kang intindihin ‘to, magpatingin ka sa espesyalista. Baka may sira na ‘yang utak o ‘yang kaluluwa mo.

Advertisements