Dapat naman talagang i-regulate ang Uber at Grab

by Sankage Steno

Lilinawin ko lang, ha? Walang masama sa pag-regulate at pag-monitor ng Uber at Grab dahil kailangan din naman silang panagutin kung humantong sa puntong umabuso sila o madehado ang kanilang mga pasahero. Kailangang may isang government body na magpanatili sa kaayusan ng kanilang pamamalakad.

Ang problema, hindi LTFRB ang kinatawan na iyon ng gobyerno.

Walang “moral” high ground at magandang track record ang LTFRB para mag-regulate ng prangkisa ng Uber at Grab kahit sila pa mismo ang talagang may tungkulin nito. Walang-wala. Ang naaamoy ko (at alam kong amoy na amoy mo rin) sa ginagawa nila ngayong paniningil o paghihigpit sa Uber at Grab ay para lang huthutan ang mga ito ng pera dahil lucrative businesses sila.

Ni hindi nga magawa ng LTFRB na maibigay on time yung mga plaka ng sasakyan. Pahirapan pa sa pagpaparehistro. Lahat ng transaksyon mo sa ahensyang iyan ng pamahalaan, pahirapan. Walang madali. Kung gusto mo ng madali, magbayad ka muna. Pero kahit magbayad ka minsan, hindi ka pa rin nakakasigurong maibibigay sa ‘yo ang karampatang serbisyong nararapat sa ‘yo.

Ganyan po ang reputasyon ng LTFRB. Kaya hindi mo masisisi ang mga tao kung bakit galit sila sa pinaggagagawa ng ahensyang ito. Para bang nilikha lang sila para mangolekta ng bayad, hindi para siguruhing maayos ang transportasyon at ligtas ang mga pasahero sa pang-aabuso o pagsasawalang-bahala ng mga tsuper at transport group.

Come to think of it, ano nga ba talaga ang silbi ng franchise at regulation na nakakabit sa pangalan ng ahensyang ito? Kung maayos na nagagawa ng Uber at Grab ang trabaho nito nang walang “pahintulot” mula sa LTFRB, at kung naibibigay naman nila ang pangangailangan ng publiko, ba’t pa kailangang humingi ng prangkisa?

Buti pa yung buwis na binabayad natin sa gobyerno, kahit papa’no, may napupuntahang maganda (madalas nga lang sa bulsa rin ng pulitiko yung karamihan). E etong pagbabayad ng prangkisa para ma-regulate ng LTFRB, parang walang silbi. Parang nagbabayad ka para sakalin ang sarili mo. Ang husay din kasing trumabaho ng ahensyang ito. <suka>

Oh well, ano bang alam ko? Wala naman talaga akong alam sa LTFRB, maliban sa mga reklamong nababasa ko sa balita. Dapat siguro palitan na yung meaning ng pangalan nila. Gawin na lang “Lol, Tangina. Forever Raging Bullshit!” para swak sa damdamin ng motoristang Pinoy.

Advertisements