Sumosobra ka na

by Sankage Steno

Mukhang wala nang solusyon para mapigilan ang bunganga ni Duterte sa pagsasabi ng mga rape jokes tuwing haharap sa media. Ilang rape jokes pa kaya ang bibitawan niya bago umalis sa pwesto? At ilang rape cases kaya ang madadagdag sa record ng PNP bunsod ng pagno-normalize sa kahindik-hindik na krimeng ito ng pangulo ninyo?

Wala na ‘kong nakikitang pag-asa sa mga trolls na nagtatanggol sa kanya at nagsasabing biro lang ‘yon. Kahit ano kasing paliwanag ang gawin mo sa kanila, hindi sila nakakaintindi. Daig pa nila ang mga adik na pwedeng magbago at ma-rehab. Itong mga trolls, parang drug-resistant na virus. Hindi na nga nalulunasan, lalo pang lumalala.

Kamatayan na lang ang nakikita kong solusyon sa dalawang problemang ‘yan. Kapag kasi namatay si Duterte, matitigil na ang rape jokes n’ya. Ganu’n din sa mga trolls.

Pero ayoko naman syempreng hilingin ang kamatayan nila dahil magmumukha akong masamang tao. Hindi naman ako masama talaga dahil hindi ko ginagawang biro ang panggagahasa, hindi ako nanggagahasa, hindi ako pumapatay ng tao at hindi ako natutuwa kapag may namamatay na tao… maliban na lang kung Game of Thrones.

Kung mali ako at hindi kamatayan ang sagot para matigil ang rape jokes, siguro kailangang maranasan iyon ni Duterte para maintindihan niyang hindi ito nakakatawang biro. Siguro kailangang ma-rape siya ng isang titan sa Attack on Titan para maliwanagan siya. Kung hindi man siya, alin sa mga babaeng kapamilya niya.

Makakapagbiro pa kaya siya kapag ginahasa ang kanyang apo o anak na babae?

Kita mo? Wala akong ibang maisip na solusyon kundi masasamang paraan din. Nagiging mali ang pag-iisip ko bunsod na rin ng pinapalaganap na kabuktutan ng pangulo ninyo at ng kanyang mga kampon sa internet. Ngayon, normal na lang ang mga patayan dahil sa droga. Hindi pa pinaparusahan ang mga mamamatay-tao. Normal na lang din ang rape jokes at pambabastos sa mga babae.

Ano pang susunod na magiging normal? Ang makipagkantutan habang naka-live video sa Facebook?

 

Advertisements