Sad Twister Fries

by Sankage Steno

Nalulungkot ako para sa Twister Fries ng McDo. Hindi dahil ino-offer s’ya for a limited time only o dahil namamahalan ako sa presyo n’ya. Nalulungkot ako kasi kailangan pa niyang mawala para lang ma-miss ng mga tao.

Hindi siya katulad ng Chicken Joy ng Jollibee o ng Original Recipe Fried Chicken ng KFC na hinahanap-hanap at binabalik-balikan mo anumang araw sa buong taon. Hindi rin siya katulad ng fishball, kikiam, kwek-kwek, isaw o betamax na kahit laging nand’yan sa tabi-tabi, hindi mo pinagsasawaan.

I’m so sorry, Twister Fries.

Naiintindihan ko naman kung bakit kailangang umalis at mawala ni Twister Fries sa menu ng McDo taun-taon. Madali nga kasi s’yang pagsawaan ng mga tao. At least kung minsanan lang s’ya i-offer, hindi s’ya pagsasawaan. Hindi s’ya ipagpapalit sa iba. Hindi s’ya mate-take for granted.

Mautak din naman ‘tong si Twister Fries. Alam n’ya kung pa’no ibenta ang sarili. Umaasta lang s’ya ayon sa kanyang ganda. Hindi s’ya mapagmataas at lalong hindi n’ya ipinagpipilitan ang sarili sa kahit kanino. Alam n’ya kung kailan s’ya dapat lumayo at kung kailan dapat bumalik.

Sabi nga nila, “Chemistry is easy, but timing is a bitch.”

It seems na-master na ni Twister Fries ang timing. Siguro dahil na rin sa dami ng hinanakit na pinagdaanan niya noong bata pa s’ya. Baka ilang beses na s’yang pinaasa, pinagpalit o pinagsamantalahan ng mga tao kaya natuto na s’yang lumugar at humanap ng tamang panahon para magbalik.

Nakuha na ni Twister Fries kung kailan tayo unguarded at bored. Kapag alam niyang nagsasawa o nababagot na tayo sa kinakasama natin, saka siya magpapakita ulit para magpatikim at magpasaya sa atin. Hindi ko lang alam kung sa ginagawa niyang ito ay sumasaya rin s’ya.

I hope you’re happy, Twister Fries. Iyon lang naman ang mahalaga, di ba?

Advertisements