Alempoy

by Sankage Steno

Iniiwasan ko talagang magsulat tungkol sa Kita Kita dahil andami nang reviews at posts tungkol sa blockbuster movie na ‘yan, pero di ko mapigilan yung sarili ko dahil sobrang natutuwa ako para kina Alessandra at Empoy. Puro kasi supporting roles ang napupunta sa dalawang ito kaya masaya ako dahil nabigyan sila ng magandang break.

Sa totoo lang, pangit yung kwento ng Kita Kita pero enjoy s’yang panoorin. Sobrang nakakatawa si Empoy at ang galing namang umarte ni Alex. Bagay na bagay sila. Kahit na-bore ako sa first 20 minutes ng pelikula at nakornihan sa script na may bilang-bilang pang nalalaman, sobrang worth it naman yung tawa at iyak ko pagkatapos manood.

Ganun naman talaga dapat ang mga rom-com. May magkahalong kilig at saya, saka lungkot na rin syempre. Sobrang predictable nga lang ng Kita Kita, saka sobrang nakakadiring umarte yung mga extra. Buti na lang at karamihan ng screen time ay kina Alex at Empoy.

Sana sa susunod nilang pelikula ay mas maipakita pa yung acting prowess ni Alex at yung kagwapuhan at wit ni Empoy. Marami pa silang maio-offer sa moviegoers at for sure naman tatangkilikin ng maraming Pilipino ang next film nila. Kabahan na sina KathNiel, JaDine at AlDub.

Specifically, mas dapat kabahan sina Daniel, James at Alden. Dahil kasi sa performance ni Empoy sa Kita Kita, nabago na ang depinisyon ng ‘pogi’. Rather, naibalik ang dati nang pakahulugan nito. Funny is the new pogi. Di ba, Dolphy at Vic?

Ang dami kayang nagkakagusto sa lalaking may sense of humor. Kita mo ‘ko, pogi na, funny pa. Oh shoot, matalino rin pala ako. Yaman at kasikatan na lang ang kulang, perfect na ‘ko. But wait, mayaman at sikat din pala ako. Nasa akin na ang lahat. #EmpoyCanChoke

Charaught lang. Napunta na naman sa ‘kin yung usapan. Kainis. Basta aabangan ko yung next movie ng Alempoy. Congrats and more heartburps to come!

Advertisements