Ingat

by Sankage Steno

May pag-asa pa sa Senado para hindi matuloy yung P1,000 na budget ng gobyerno para sa Commission on Human Rights sa susunod na taon. Mas confident akong hindi papayagan ng mga senador natin na maging lalong kaawa-awa at katawa-tawa ang bansa natin dahil sa kagaguhan ng mga kongresista natin.

Kung sakali mang maging tuta rin ni Duterte ang karamihan sa mga senador at tuluyang maging sanlibo lang ang budget ng CHR, umaasa akong aaksyon ang Korte Suprema. Hindi ako sigurado kung pwedeng ideklarang ‘unconstitutional’ ang ginawang ito ng ating mga mambabatas. Nasa 1987 Constitution kasi na dapat ay meron tayong CHR na magbabantay at mangangalaga sa ating karapang-pantao.

Di pwedeng wala s’yang matinong budget.

Pero kung di pa rin ito mabago ng ating mga hukom, ang huli kong pag-asa e nasa taumbayan. Umaasa akong magkakaroon ng malawakang civil disobedience para tuligsain at iprotesta ang kalokohang ito ng kasalukuyang administrasyon.

Ngayon, kung walang aaksyon sa atin at hindi tatayo pupunta sa kalye o sa Kongreso para mag-aklas, aasahan ko nang lalong dadami ang extrajudicial killings at murder sa bansa. Kung di mapipigilan ang mga patayang ito, sana unahin yung mga galit o ayaw sa CHR. Sana unahin si Duterte. Pero asa pa ‘ko, di ba?

Mabuhay pa sana ako hanggang sa matanggal ang diablo sa Malacanang.

Sa direksyon kasi ng mga pangyayari ngayon sa bansa, di malayong ikaw o ako ang susunod na dakpin ng mga pulis at patayin para makakota sila. Kahit pa may ebidensyang drug lord itong pangulo ninyo at ang kanyang pamilya, syempre, hindi sila magagalaw ng mga sundalo o pulis. Tayong mga maliliit na tao lang ang kakayan-kayanin nila.

Nakakatakot. Lalo na kung iisipin mong mas marami pang napatay sa isang taon ng panunungkulan ni Duterte kung ikukumpara sa mga namatay noon sa bagyong Yolanda at noong panahon ng Martial Law ni Marcos. Dumating na nga ang pagbabagong ipinangako ng mamamatay-tao nating pangulo.

Kaya ang paalala ko lang sa ‘yo na nagbabasa nito, “Ingat.”

Advertisements