Higit pa sa French fries

by Sankage Steno

Nabuhay na naman yung pangarap kong makapunta sa Paris o kahit saang parte ng France. Tagadu’n kasi yung mga bida sa binabasa kong memoir, Ghosts by Daylight: A Memoir of War and Love, na sinulat ni Janine di Giovanni.

‘Yun nga lang, di pa kaya ng bulsa ko ang pumunta do’n. Uunahin ko muna yung pag-iipon para sa pangarap kong bahay bago pumunta ng France o kahit saan sa Kanluran. Isa pa, ‘pag pumunta ako sa bansang ‘yon, gusto ko kasama ko na yung kabiyak ko. Yung aking Pag-ibig. Para sulit na sulit, di ba?

Imagine: Paris. Love. Forever.

Sino ba namang hindi matutunaw sa gano’n, di ba? At kahit pa marami akong naririnig na hindi naman ganu’n kaganda sa Paris, kebs na lang. Basta gusto ko s’yang puntahan kasama ang Mahal ko. For sure kahit saan naman ako pumunta, basta kasama ko s’ya, siguradong masaya, memorable at puro sexy time. Woot-woot!

Speaking of France, naalala ko tuloy yung trip ko sa Sagada with my family noong 2012. May nakasabay kasi kaming French couple nu’ng papunta kami sa Bomod-ok Falls. Natuwa ako sa kanila dahil friendly sila at, somehow, napansin kong na-amaze sila sa ‘kin. I swear, parang kumislap yung mga mata nila.

Ganito kasi ‘yon. Edi kwentuhan kami, ta’s biglang sinabi sa ‘kin nu’ng guy, “Your English is really good.”

“Yea, you have an American accent,” segunda ng babae. “You sound like a native English speaker. In France, we only speak French. People there don’t speak English. There are very few English speakers in our country.”

“Really?” sabi ko kahit alam ko naman ‘yon. Haha! “Well, thank you.”

Gusto ko sanang ipaliwanag na dahil ‘yon sa colonization ng mga Amerikano sa amin for a couple of decades at yung umiiral pa ring neocolonization, saka yung pag-aangkat natin ng produkto, mga palabas, musika at kung ano-ano pa galing sa States. Gusto ko rin sanang ipaliwanag ang epekto ng globalization at capitalism, pero naghunus-dili ako. It’s not the time and venue kasi. Lol.

“So what do you do? Are you studying?” tanong pa ng babae.

“I teach English and Literature in a university in Manila, and I also work part-time as a correspondent for a national newspaper.”

Nganga ang dalawang French physical therapists.

Bumawi naman ako, syempre. Pinuri ko rin sila sa kanilang English (na matatas naman talaga). Natigil lang ang pagbobolahan namin sa isa’t isa dahil medyo effort bumaba ng bundok. Ingat na ingat kasi ako sa pagpili ng batong tatapakan. ‘Pag kasi nagkamali ka ng hakbang, dadausdos ka pababa diretso sa Buhay na Walang Hanggan.

Ayoko namang mamatay agad, ‘no? Hindi ako matatahimik hanggat di ako nakakapunta sa France kasama ang aking The One.

Advertisements