Maingay noon, tahimik na ngayon

by Sankage Steno

Alam ko na, ganito na lang para di ka laging pahiya: Kung pinagsisisihan mo nang binoto mo si Duterte noong 2016, may iba pang paraan para magsisi maliban sa pananahimik mo ngayon. Sasabihin ko sa ‘yo kung pa’no pagkatapos kong laitin ka.

Naalala mo ba noong April at May 2016, inaway-away mo ‘ko, shinare mo yung viral photo ko na may hawak na P500 bill, shinare mo yung screenshots ng debate namin ng kaklase ko na nagmukha akong “talunan” dahil di na ‘ko nag-reply, tapos panay ang post mo ng “This is what the mainstream media do not report” samantalang ni-report naman talaga nila? Di ka lang nagbabasa kasi, kasi “bias” ka?

Naalala mo?

Naalala mo rin ba yung blog post ko noon na tinatanong ko nang pabalang yung mga UP student kung bakit iboboto nila si Duterte despite glaring evidence na ibebenta n’ya ang teritoryo natin sa China, kakampi at tuta s’ya ng mga Marcos, binabayaran n’ya ang mga rebeldeng komunista, at mamamatay-tao s’ya? Sinabi ko lahat ‘yan sa blog ko pero di ka naniwala. Rather, nagbulag-bulagan ka.

Naalala mo?

Ako kasi naalala ko na napakaingay mo noon. May pa-change-change ka pa ng profile pic na “I’m a Filipino and my president si Duterte.” Tama ako, di ba? Tapos ang dami-dami mong kuda laban sa ‘kin. Kung ano-ano ‘yang sinasabi mong paninira kahit di naman totoo. Naalala ko pa nga na lahat ng i-post ko, kinokontra mo sa timeline mo. Pero syempre, hindi naman stated directly na ako yung pinapatamaan mo.

Tapos ang lakas-lakas ng loob mong sabihin na dilawan ako, bayaran ako, bobo ako, tanga ako at “bias” ako. Naalala ko lahat ‘yan. Ikaw, naalala mo ba?

O, sinong tama sa ‘tin ngayon? Ako po.

Sinong nagpapatay ng humigit-kumulang 13,000 na Pilipino dahil sa war on drugs? Sino ang may anak na sangkot sa P6-billion shabu shipment galing China? Sino ang nagbebenta ng teritoryo natin sa Spartlys at balak ipamigay pati Benham Rise sa China? Sino ang nagpalaya kay GMA? Sino ang nagpalibing kay Marcos sa Libingan ng mga Bayani? Sinong nagpasa ng tax law na nagpataas ng presyo ng bilihin? Sinong balak kitilin ang press freedom at patahimikin ang lahat ng tutol sa kanya?

Answer: Yung binoto mong presidente.

Don’t tell me imbento ko lang lahat ‘yan. Ungas ka kung gano’n. Binalaan na nga kita, di ka pa naniwala. Tapos ngayong nagkatotoo na lahat ng sinabi ko noong campaign period, biglang tameme ka? Nabahag bigla ang buntot. Natahimik. Binusalan ang bibig. Natigil ang pagiging keyboard warrior.

And, no, hindi lang ako keyboard warrior. Sumusugod ako sa kalsada para ipaglaban ang aking paniniwala, ang aking prinsipyo at, higit sa lahat, ang mga Pilipinong tulad mo.

Ang galing, ‘no? Nawala bigla yung boses mo. Sa’n napunta? Kay Ursula? O sa Pahiya Land? Alam mo, para mabawi mo ‘yang boses mo, dali, punta ka sa Facebook mo. Tapos mag-type ka sa status mo ng ganito: PINAGSISISIHAN KO NANG BINOTO KO SI DUTERTE.

Ganyan.

Andali lang, di ba? Tapos, ‘pag nai-type mo na ‘yan, tuligsain mo pa s’ya. Murahin mo if you like. Panagutin mo ‘yang binoto mo. Boto mo ‘yan e. Be responsible naman. Hindi yung kaming mga tama ang pag-aayusin mo ng gulong sinimulan mo. Ikaw me kasalanan n’yan e, tapos ako ang mag-aayos? Ulul ka talaga.

Tama na kasi ‘yang pananahimik mo. Mag-ingay ka na ulit. Para kang tanga lalo n’yan e. Alam mo ba kung pa’no naghari sina Hitler, Stalin, Marcos and the likes?

Answer: Indifference.

In other words, wapakels. Walang pakialam. Nanahimik yung mga tao. Well, kung gusto mo ulit na magkandeletse-letse tayo, sige, ituloy mo lang ‘yang pananahimik mo. Ganyan naman kayong mga loser. Matapang lang ‘pag feeling panalo.

Advertisements