James Dicking, transport jakolnalist

by Sankage Steno

Lahat na lang nagke-claim na journalist sila. LAHAT NA LANG! Pati ‘tong si James Dicking na binansagan ang sariling ‘transport journalist’. What the heck is that? Journalist sa umaga, Uber driver sa gabi? Ganu’n ba? Porke humaharap s’ya sa camera at nagbabasa ng balita sa teleprompter, journalist na agad?

Alam ba n’ya ang basic structure ng news? E ang pagkakaiba ng hard news vs soft news? Ano-ano ang elements ng news? Ano ang apat na elements ng libel? Alam ba n’ya kung ano yung Spiral of Silence? E yung hypodermic needle theory? Alam ba n’ya yung hao-siao? Anong ibig sabihin ng ‘nakuryente‘? Anong section sa 1987 Consti ang nagpoprotekta sa malayang pamamahayag?

Kilala ba n’ya si Dean Worcester? Alam ba n’ya yung Aves de Rapina? Kilala ba n’ya ang pahayagang La Solidaridad? E yung La Independencia? Yung El Renacimiento? Yung Kalayaan?

Bago n’yo tawaging journalist ang sarili ninyo, siguruhin n’yo munang alam n’yo ang sagot kahit sa kalahati ng mga tanong ko sa taas. At kahit pa masagot n’yong lahat ‘yan nang tama, hindi ibig sabihin no’n ay journalist na kayo. Dahil ang journalist, may tinatawag na integrity. May moral soundness. At hindi nabibili ‘yon online.

Kung pa-chummy-chummy ka sa mga iniinterview mo, kung feeling close ka lagi sa kanila at tumatanggap ka pa ng favors tulad ng ULTRAWILDSCREEN TV, nagte-test drive ng mga sasakyan kundi man tumatanggap talaga, at panay ang pa-cute sa social media para sumikat at dumami ang followers, HINDI KA JOURNALIST.

Jakolnalist ka, boy!

Panay ang salsal mo sa mga source mo. Panay ang himod mo sa mga nakakasalamuha mong tao. Panay ang pagbi-BJ mo sa kasikatan at impluwensya ng iba. Hindi po gano’n ang tunay na journalist. Mahiya ka sa etits mong hindi tuli! May nalalaman ka ba sa Code of Ethics ng mga journalist? Malamang wala.

Sa susunod, bago mo tawaging journalist ang sarili, siguruhin mo munang ‘objective’ ka sa mga sinusulat mo (kung nagsusulat ka) o binabalita mo (kung nagbabalita ka talaga at hindi lang tagabasa ng balita). Also, alam mo ba ang theory on objectivity? Kung talaga bang may objectivity ang mga journalist?

Feeling ko kasi hinde.

Kami sa Journ, pinagdebatehan namin ‘yan. Pinag-aralan. Pinag-isipan. At kahit nga nag-aral kami ng Journalism, hindi kami ganu’n kaliberal sa pagsasabing “JOURNALIST AKO.” Wow. Iginagalang namin ang title na ‘yan. Ine-earn ‘yan, hindi ini-impose sa sarili. Ako nga, araw-araw na nagsusulat at nag-eedit ng balita at research, pero I don’t call myself a ‘journalist’.

Journalism ang training ko, pero editor ang posisyon ko. Ang tunay na journalist, may experience sa field (tulad ko). Hindi tumatanggap ng pabor tulad ng TV o pera (tulad ko). Hindi kumakapit sa mga source na parang BFF kayo (tulad ko). May professional distance dapat.

Finally, dapat alam mo ang history ng mga Marcos. Dapat alam mo ang ginawa nila sa press freedom noong panahon ng Martial Law. At dapat alam mong hindi ka dapat nagpapagamit sa mga magnanakaw, mandarambong at mandaraya. Kung journalist ka, do your legwork. ‘Wag puro pa-cute. Pweh!

Advertisements