Gay Sparta

by Sankage Steno

Nakakatawa yung mga profile na nababasa ko sa Grindr na ang nakalagay e “not into sex” daw or “cuddle lang” or “Netflix?” tapos may kyeme pang looking for LTR or looking for someone who can make me delete this app, at kung ano-ano pang pautot ng mga baklang ire.

Gurl, kung gusto mong i-delete yung app, you don’t need someone else to do it. Kaya mo na ‘yan. Just do it. Kalurkey. At yung mga not into sex-not into sex na ‘yan, ‘pag tinanong ko naman ng “Sex?” or “Fun?” daig pa si Sailormoon sa pagta-transform. Don’t me nga! Kung gusto mo ng ka-chat lang, punta ka sa Facebook o sa Twitter. Gawa ka ng Alter account, ganyan.

But then again, this is a democracy, so keber na lang sa sinasabi ko.

Ang sa akin lang, tayong mga bakla, bawas-bawasan natin ang kaartehan sa katawan, okay? Saka yung pagpapakipot (aka pagpapanggap), pwede ba, keep it to yourself na lang? I mean, magpakipot ka na lang kapag may jowa ka na. Pwede ba ‘yon? Kasi this is Grindr. This is Gay Sparta.

Ang Grindr ay parang Quiapo kapag pista ng Nazareno. Kung pabebe ka at feeling maganda (lalo na ‘pag hindi naman), made-depress ka lang, boy. Mauubusan ka. Hindi ka makaka-score. Kung tunay na pag-ibig ang hanap mo, try other app, okay? Try the Real World app. ‘Yan, for sure, mas malaki chance mo.

Ayan na naman ako, imposing my own rules and preferences. Pasensya na, mga bakla. Unsolicited advice ko lang ‘to sa inyo para hindi kayo laging sawi o feeling sawi kahit kagagawan n’yo naman yung kasawian n’yo. Tanga lang kasi, di ba? But that’s understandable. Bakla e. Yung mga hetero nga, natatanga, tayo pa kaya?

It could be worse in our case.

Kaya tuloy lalong dumadami yung nagsasabing nade-depress sila sa paggamit ng Grindr e. Pa’no kasi, acheng, mali ang paggamit mo ng app na ‘yan. Lower your expectations, mumshie. Ang Grindr ay pang-fun lang, pang-syota (short time), hindi true love. Nasa sa ‘yo na ‘yan kung seseryosohin mo yung makaka-chukchakan mo d’yan. Pero, naman, keep your expectations to a bare minimum.

‘Yan nga kasi ang sinasabi ko na noon pa. Sakit ng mga bakla ‘yang pagiging sabik sa atensyon o sa relationship o sa “cuddle” o “LTR” o “ka-Netflix.” ‘Wag ganu’n, beshie. I know mahirap ang ‘wag umasa, pero isasampal ko sa ‘yo ulit, ha? This is Grindr. This is Gay Sparta. Ang Grindr ay parang Quiapo ‘pag pista ng Nazareno. ‘Wag pabebe much.

Advertisements