Pangit na, bobo pa

by Sankage Steno

Hindi ‘to tungkol kay Asec. She-Who-Must-Not-Be-Named. Ang tinutukoy ko sa title e yung mga nakaka-date o nakaka-eyeball kong lalaki.

I’m not sure kung may correlation sila, pero lahat (as in LAHAT) ng nami-meet kong lalaki na pro-Duterte (o pro-Marcos), either pangit sa personal or pangit at bobo sa personal. Pero yung mga anti-Duterte (o anti-Marcos) na nakaka-jerjer ko, gwapo/cute or matalino or both.

Pramis! Never fails.

Tulad na lang nung nakilala ko last Wednesday. Anti-Duts s’ya at anti-Marcos din. Graduate ng UST at nagma-Masters sa UP Diliman. Instructor s’ya sa isang school sa Makati. Well-traveled. Nakalibot na sa India. Sa Pilipinas naman, ang huli n’yang napuntahan ay Basilan, Sulu at Tawi-Tawi. O, di ba? Ibang level.

Or take for example yung Ex ko na nakilala ko sa isang rally. Obviously, anti-fascist si Koya. Gwapo, artistahin ang mukha. Impak, I would admit, mas pogi s’ya sa ‘kin. Matalino rin s’ya kasi valedictorian noong high school. Creative din at artistic. Ang husay pa ng kamay. <wink, wink>

Samantalang yung isa kong nakilala, hindi na nga gwapo, s’ya pa ‘tong may ganang mang-ghosting. Hindi rin s’ya katalinuhan. So-so lang ang IQ. Pa’no ko alam? Sa pag-uusap. Ganu’n naman, di ba? Malalaman mo kung matalino ang isang tao kapag may sense s’ya kausap. Itong isang ‘to, paulit-ulit ang topic. About sa boss n’ya lagi.

Boring!

Or yung mga nasa Grindr na baller ni Duterte ang profile pic. Jusko! ‘Pag binasa mo yung profile, magkaka-tumor ka sa dami ng wrong spelling at grammar. Tapos ‘pag hiningi mo yung pic nila, jusme, no-thank-you or pass agad ang masasabi mo. Not to mention di sila magaling mag-sustain ng conversation.

Wala pa talaga akong nakikilalang supporter ni Duterte na gwapo at matalino. Malapit na tuloy akong ma-convince na lahat ng bumoto sa kanya ay tulad niyang pangit at bobo. Sana naman mali ako, ‘no? Sana wala talagang correlation (or worse, causation) between being pro-Duterte and being ugly o bobo. Sana lang. Or maybe not. Lol.

Advertisements