Kung walang fake news

by Sankage Steno

Kailangan mo bang makakita ng pangit para masabing gwapo ako? Kailangan mo bang makahanap ng bobo para masabing matalino ako? Kailangan mo bang makatagpo ng lumba-lumba para masabing payat ako? Hindi naman, di ba? E ano ‘tong pinagsasasabi ni Pres. Spox Harry Roque na kung wala raw fake news e hindi natin malalaman kung ano ang true news?

Gago ba s’ya?

Kailan pa naging batayan ng “true news” ang fake news? Ibig sabihin ba ng abogagong ‘to, kaya lang natin na-identify ang totoong balita e dahil nagsulputan ngayon ang mga kasinungalingan (aka fake news)? Ang bobo lang ng logic, ‘no? Parang hindi taga-UP si bakla. Kaloka ka, gurl!

Parang ganito kasi yung logic n’ya: Nakakita ka ng baby na mahuhulog sa bangin. Tapos, hindi mo s’ya kukunin at ililigtas kasi wala ka namang basehan na mahuhulog nga s’ya sa bangin. Tanga lang, di ba? Porke walang opposing variable, iko-conclude mo nang hindi existing yung isa? Labo.

Or like this: Nagugutom ka. Kumakalam ang sikmura mo. Tapos, nakakita ka ng tinapay na bagong luto. Sa halip na kainin, tinitigan mo lang s’ya kahit ambango-bango at mukhang masarap. Kasi nga, hindi mo malalaman na totoo s’yang tinapay kung wala namang fake na tinapay.

Napakatanga talaga.

Alam ko namang nagbobobo-bobohan lang ‘tong si Roque. At tulad ng nagtutulug-tulugan na mahirap gisingin, mahirap ding “patalinuhin” ang isang ‘to. Pero how low can he go? Gaano pa n’ya hihimurin ang puwet ni Duterte para sa pansariling ambisyon? Talaga ba, Harry? Human rights lawyer at defender ng press freedom dati, ta’s ngayon ganito? Fake news philosopher?

Tangama, husay!

Hindi ka mananalong senador n’yan next year kung ganyang kabobohan ang ipinapakita mo. Or, wait… on second thought, baka nga iyan ang ikapanalo mo. Di mo naman nga pala kailangang maging mahusay o matalino para maging pulitiko. Kailangan mo lang ng maraming exposure.

At ang katangahang ipinapakita mo ngayon, kahit ga’no pa ka-negative ang maging imahe mo, is still publicity. You’re not so tanga naman pala. Fake tanga lang.

Advertisements